Sa isang espesyal na programa kaugnay ng pagdiriwang ng Small-Scale Miners’ Day ay ipinaramdam sa mga maliliit na magkakabod ang suporta ng buong probinsya sa industriya. Ang kaganapan ay isinagawa nitong ika-1 ng Hunyo, 2026 sa People’s Freedom Park, Provincial Capitol Grounds, Daet, Camarines Norte.
Ang maiksi ngunit makahulugang programa ay agarang isinagawa matapos ang motorcade activity o parada ng mga magkakabod mula sa mga bayan ng Labo, Jose Panganiban at Paracale na magkakasamang nagtungo sa Kapitolyo.
Β
Nagpakita ng pakikiisa at suporta sa gawain sina Mr. Rolando Persia, Pangulo ng Samahan ng mga Magkakabod sa Camarines Norte (SAMACANO), Mr. Wilfredo “Pidong” Golez, kinatawan ng Small-Scale Mining Sector sa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB), Engr. Guillermo “Danny” Molina, Jr. IV, Regional Director β Bicol ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), Sangguniang Panlalawigan Board Member Hon. John Carlo “Lukad” De Lima, Provincial Administrator Mr. Don Eduardo Padilla, Executive Secretary to the Governor Ms. Anica Padilla at Ama ng Lalawigan Governor Ricarte “Dong” Padilla, kasama pa ang kaniyang buong pamilya. Kasama ring nagpakita ng suporta ang mga kapulisan mula sa Camarines Police Provincial Office (CNPPO), mga puno at kawani ng Department of Environmental & Natural Resources Office (DENR) – Camarines Norte at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa kapitolyo pati na ang samahan ng mga Financiers sa SSM sector.
Β
Daan-daang mga magkakabod ang aktibo at masayang nakibahagi sa programa partikular ang mga samahan sa Small Scale Mining sector kabilang ang Magkamatao Small-scale Miners Association (MSSMA), Samahan ng mga Minero ng Barangay Casalugan (SMBC), R&M Gold and Gems Small Scale Miners Association, Mambulao JLP Precious Metal Mining, Samahan ng mga Magkakabod ng Ultra Village, Sta. Barbara Small Scale Miners Association, Samahan ng mga Minero sa Paracale Federation (SMPF), Tugos Miner’s Association at Sta. Ana Small Scale Miners Association.
Β
Sa isang mensahe, ipinahayag ni MGB-Bicol Regional Director Engr. Danny Molina na isinakatuparan ang gawain hindi lamang para magsaya, kumain, at magkita-kita ang mga magkakabod. Higit pa rito, ang mas malalim na rason, ang ipaalala sa lahat ng mga magkakabod kung bakit sila nagkakaisa β ito ay upang pangalagaan ang likas na yaman sa probinsya ng Camarines Norte. Sa huli ay iniwan niya ang mensaheng “Gawin po nating tama ang pagmimina, maging responsable sa sektor”.
Β
Samantala, isang praktikal, malinaw at tagos sa pusong mensahe ang ipinaabot ni Governor Dong Padilla sa mga dumalo sa gawain. Ayon sa Ama ng Lalawigan, dapat maunawaan ng bawat isang magkakabod na ang pagkakaroon umano ng Miners’ Day sa Camarines Norte ay isang malaking tagumpay, dahil palatandaan ito na ang sektor ay kinikilala na ng pamahalaan. Kasama niyang idiin sa mensahe ang pakiusap sa mga financiers at mga namumuno sa mga magkakabod, ito ang pakiusap na “mabuhay nawa ang disiplina sa loob ng minahan”, disiplinang malaking bagay sa kaayusan at katagumpayan ng pagmimina sa probinsya at disiplinang mahalagang karakter ng responsable at ligtas na pagmimina. Binigyang-diin at halaga pa ni Governor Dong Padilla na ang Provincial Government of Camarines Norte ay lagi umanong nakaalalay at nakasuporta sa mga magkakabod kung saan kasama at katuwang niya si Vice Governor Engr. Joseph Ascutia.
Β
Sa kabuuan, ang kauna-unahang Minahang Small Scale Miners’ Day sa Camarines Norte ay punong-puno ng kasiyahan at makahulugang mga gawain. Kabilang sa mga gawain naganap ay ang sama-samang pagbati sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gov. Dong, pagsasagawa mga mga palaro at ang nakakaaliw na pageant.
Β
Muli, maligayang pagdiriwang ng Small Scale Miners’ Day sa mga CamNorteΓ±ong Magkakabod!
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office






















