Pambihira at makasaysayan ang isinagawang Benchmarking on Minahang Bayan in Camarines Norte ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya. Bukod sa ito’y una para sa lalawigan at sektor ng minahang bayan, ay nakatutuwa at malaking karangalan na mapili ang Camarines Norte para sa pag-alam ng mga karanasan at best practices pagdating sa pagmimina.
Sa isang Welcome Program kahapon ika-9 ng Hulyo, 2024 ay mismong si Governor Dong Padilla, Board Member John Carlo Lukad De Lima at mga Department Heads & Division Chiefs ng Provincial Government of Camarines Norte ang mainit na tumanggap sa mga bisitang mula sa Nueva Vizcaya sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte Session Hall.
Kabilang sa mga naging bisita mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay mga kawani mula sa mga tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENARO) ;Tito A. tanguilig, Erickson C. Miranda, Provincial Treasury; Aldrin B. Ampat, Limuel Angelo B. Marinay, Jeffrey O. Evangelista, Provincial Legal Office (PLO) ;Atty. Voltaire B. Garcia, Ryan Dell G. Dela Cruz, Ronald B. Ferrer (driver), Provincial Engineer’s Office (PEO);Engr. Jerry A. Tan, Provincial Agricultural Office (PAGRO) ; Absalom Rizal D. Baysa, Rommel Antonio Alfonso, Rommel L. Alfonso.
Layunin ng pagbisita ng mga delegates mula sa Nueva Vizcaya na gawin ang Camarines Norte bilang isang batayan para sa pagpapatupad ng kanilang programa pagdating sa sektor at usapin ng Minahang Bayan. Ang mapili ang Camarines Norte bilang bahagi ng Benchmarking Activity ay bunga marahil ng inasyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim nina Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia na gawing legal, pormal, maayos at may regulasyon ang pagmimina sa Camarines Norte.
Β
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office