๐๐๐๐ ๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐๐ญ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐๐๐ฅ ๐ ๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐จ๐ง ๐๐๐๐, ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐
Isang pambihirang pagkakataon at karangalan sa lalawigan ang nangyaring 2024 planetGOLD Global Forum on ASGM sa isang project site sa Barangay Casalugan, Camarines Norte nitong nakaraang sabado ika-8 ng Hunyo, 2024.
ย
Humigit-kumulang dalawampung (20) bisita na pawang mga foreign at local delegates ang aktibong nakiisa at lumahok sa pagtuklas ng Artisanal Small-scale Gold Mining (ASGM) Area na pinalalakas at kung saan matatagpuan ang isang Mercury-Free Processing Facility (MFPS) na naitatag sa pamamagitan ng PlanetGOLD Programme.
ย
Ang planetGOLD Programme ay may layuning tulungan ang artisanal at small-scale gold miners na palitan at alisin ang paggamit sa pagmimina ng nakakasamang kemikal na mercury ng mas malinis at tamang pamamaraan. Kabilang din sa layunin ng programa ang pagpapabuti sa pag-akses sa pinansyal at pagpapadali ng pormalisasyon o legalisasyon ng sektor ng ASGM.
ย
Kabilang sa mga lumahok sa maituturing na “global event” na gawain โ field trip sa isang project site sa Paracale, Camarines Norte ay ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng Artisanal Gold Council (AGC), PlanetGOLD Philippines Project, United Nations Environment Programme (UNEP), United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), National Resources Defense Council (NRDC), Mines and Geosciences Bureau Central Office at Regional Office, Environmental Management Bureau (EMB), Arrowhead Media, Vogue Business at Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte. Kabilang rin sa mga dumalong bisita na foreign delegates ay mula sa mga bansang Burkina Faso, Colombia, Kenya, Madagascar, Mongolia, Nicaragua at Suriname.
ย
Sa kabuuan ay naging mapayapa, produktibo at matagumpay ang gawaing naging espasyo para sa pagpapalitan ng kaalaman, pagsasama-sama ng iba’t ibang ASGM sector para sa pagkatuto sa isa’t isa.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office