Tulong-Pinansiyal para sa mga Mag-aaral sa Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte

Pangunahing adhikain ng kasalukuyang administrasyon na mailapit ang mga serbisyong pang-edukasyon sa bawat mamamayan ng lalawigan ng Camarines Norte, lalo na sa mga komunidad na nasa malalayong lugar. Kaugnay nito, nagtungo ang tanggapan ng Community Affairs Office sa Calaguas Island, Municipality of Vinzons, Camarines Norte upang ipamahagi ang tulong pinansiyal para sa mga mag-aaral na Grade 7.
 
Tumanggap ng tig-₱2,000 ang bawat mag-aaral bilang suporta sa kanilang pag-aaral. Layunin ng programang ito na makatulong sa mga magulang at mahikayat ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.
 
Naniniwala ang kasalukuyang administrasyon na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad ng lalawigan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na pinapalakas ang suporta para sa sektor ng edukasyon, lalo na sa mga kabataang nangangarap na makamit ang mas magandang kinabukasan.
 
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Dong Padilla at Acting Governor Joseph Ascutia na bigyang-pansin ang sektor ng edukasyon at pahalagahan ang kinabukasan ng mga kabataan at ng mga susunod pang henerasyon.

Article credits to: Community Affairs Office

Share the Post:

Related Posts