MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Relief Packs Augmentation mula sa PGCN, Sinimulan Na!

Sa panahon po ng krisis ay sinisikap nating maiparating ang tulong na kailangan ng ating mga kababayan. Simula noong Martes ng hapon (March 31, 2020), pinasimulan ng ipadala sa bawat bayan ang mga foodpacks bilang Augmentation o dagdag tulong sa ating barangay at Local Government Unit na nagmula naman sa Provincial Government.

Kabuuang 60,000 na mga foodpacks ang inihanda ng Kapitolyo Probinsyal na ibibigay sa bawat households at ito ay nakapaloob sa guidelines ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na idaan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sapagkat sila ang saktong nakakaalam ng mga mas nangangailangan nating kababayan.

Ang MSDWO sa bawat bayan ang nagbreak down kung ilang libong foodpacks ang hahati-hatin ng nasa 60,000 na foodpacks para sa buong lalawigan.

Maraming salamat sa Department of Public Works and Highways sa pagpapagamit ng kanilang mga sasakyan upang madala ang mga tulong na ito sa bawat bayan ng ating probinsya.

"Walang kulay pulitika, sa panahon na ito ng krisis na COVID-19, kelangan ang lahat ng nangangailangan ay mabigyan at maabutan ng tulong ng Pamahalaan, ang bawat isa ay magtulungan para masawata ang virus na COVID-19 sa ating lalawigan", pahayag ni Gov. Tallado.

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA