MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

The Camarines Norte Provincial Government College Education Assistance Program (CNPGCEAP) Online Registration is now officially open

Registration will start on June 1, 2024, and will end on June 19, 2024

REGISTER NOW!
http://pgceap.com/


article credits to: CAO Facebook Page

Naging produktibo ang benchmarking na ginawa nina Governor Ricarte “Dong” Padilla, Sangguniang Panlalawigan Members, Department Heads at iba pang mga kawani ng Kapitolyo sa Bataan kahapon, ika-22 ng Mayo, 2024.

Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pamumuno nina Governor Jose Enrique “Joet” S. Garcia III at Vice Governor Cris Garcia ang grupo mula sa Camarines Norte. Bukas nilang ibinahagi ang mga best practices pati na ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bilang isang lalawigan, gayundin ang mahabang panahon ng pagsisikap bago nila narating ang kasalukuyang estado.

Sa mensaheng ipinaabot ni Gov. Dong aniya, ang Bataan ay naging inspirasyon niya sa maraming proyektong pangkaunlaran, gaya na rin ng pagkakaroon ng maraming free port zones. Sa huli, ipinahayag din niya na, “how I wish Camarines Norte is like Bataan, when we can finally proudly say: one Camarines Norte. Kaya nga po ang lagi kong pakiusap, hangga’t wala pang eleksyon, magsama-sama muna tayo.”

Sa kabuuan, ang lahat ng delegado mula sa Camarines Norte ay naging inspirado at excited para sa kinabukasan ng lalawigan.


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Ang aming taos pusong pasasalamat sa walong festival contingents na nagpakita ng angking husay, galing at talento na repleksyon ng makulay na kultura, istorya, turismo at ganda ng ating probinsya.

Congratulations to this year's winners:

SPECIAL AWARDS:
BEST IN MOVING CHOREOGRAPHY: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN COSTUME: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN MUSIC: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN FESTIVAL QUEEN: Pinyasan Festival - Daet

MAJOR AWARDS:
GRAND CHAMPION: Pinyasan Festival - Daet
FIRST RUNNER UP: Kadagatan Festival - Mercedes
SECOND RUNNER UP: Pabirik Festival - Paracale

MABUHAY ANG CAMARINES NORTE!
MABUHAY ANG CAM NORTEÑOS!


article credits to: https://www.facebook.com/LoveCamNorte

Groundbreaking Ceremony sa Sitio Mat-i, Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte nitong ika-9 ng Mayo, 2024 naging pagsisimula ng pagtatayo ng state-of-the-art at tinatawag na Multi-Purpose Building na maglalaman ng Training Instructional Facility/Meeting Incentives Conference for Education, Sports Building (MICES), Primary Health Center, at Site Development Phase 2.

Ang proyektong ito ay bunga ng inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Ricarte "Dong" Padilla at Vice-Governor Joseph Ascutia. Pinondohan ito ng Ako Bicol Party List na pinamumunuan nina Cong. Zaldy Co at Cong. Raul Angelo "Jill" Bongalon.

Samantala, nagbigay-pugay si Governor Ricarte "Dong" Padilla sa mga indibidwal at ahensya na tumulong sa proyekto, tinawag niya itong "dream come true" na nagkakahalaga ng ₱350 milyon.

Ang nasabing seremonya ay nagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa proyekto na magbibigay daan sa pag-unlad ng pampalakasan at iba't ibang aktibidad sa lalawigan na malaki ang kaugnayan sa sektor ng isports. Ito ay isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng sportsmanship, pagkakaisa, at pagtutulungan sa Camarines Norte.


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia, Sangguniang Panlalawigan Board Members at Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office, matagumpay na ginanap ang Binibining Camarines Norte Grand Coronation Night nitong ika-28 ng Abril 2024 sa Camarines Norte Agro Sports Center.

Ang mga sumusunod na binibini ay ang nakasungkit ng korona at titulo;
- Bb. Camarines Norte 2024 – Trixia Jorgia Aganan (Talisay)
- Bb. Bantayog 2024 – Angela Joyce Tabago (Jose Panganiban)
- Bb. Turismo 2024 – May Gabrielle Rodolfo (San Vicente)
- 1st Runner Up – Vanessa Valenzuela (Jose Panganiban)
- 2nd Runner Up – Sandara P. Estrella (Mercedes)

Pagbati sa lahat ng mga lumahok at nanalo sa kompetisyong ito. Happy Bantayog Festival!


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA