MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Pormal nang inanunsyo nitong ika-11 ng Marso sa Official Facebook Page ni Governor Dong Padilla ang pagbisita at pagdalo ng sikat na bandang Ben&Ben sa Bantayog Music Festival (BMF) 2024.

Sa video message ng Ben&Ben, ipinabatid ng nasabing banda ang kanilang excitement na makapagdala ng saya sa mga CamNorteños sa pamamagitan ng kanilang musika.

Para sa kaalaman ng lahat ang Ben&Ben ay isa sa mga bandang maghahatid ng saya sa Camarines Norte sa gaganaping Bantayog Music Festival 2024 ngayong darating na April 27 na mangyayari sa Daet Airport, Camarines Norte.

Matatandaang noong nakaraang Bantayog Festival 2023, ay ipinangako ni Governor Dong Padilla sa harap ng libu-libong Camnorteño na ang susunod niyang dadalhin at magpapasaya sa BMF 2024 ay ang bandang Ben&Ben, na nagkaroon nga ng katuparan. Malugod ding ipinabatid na ang nasabing Music Fest ay libre at malinaw na walang bayad, na siya namang naghatid ng karagdagang galak at saya sa ating mga kababayan.

Kasama ring makikisaya sa nasabing Music Fest ang solo artist na si Maki – na sikat na sikat rin lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang bandang Ben&Ben naman ang magsisilbing main act sa Music Fest . Abangan rin nating lahat ang surprise special guest na sponsored by Senator Robinhood Padilla. Sa mga kaabang-abang na balitang ito ang ating mga kababayan ay patuloy na nagagalak sa mga surpresang hatid ng Pamahalaang Panlalawigan.

written by: Joana C. Fortuna & Arjay Jimenez Efondo



article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte
media credits to: https://www.facebook.com/dongpadilla001

The Province of Camarines Norte, through the efforts of Museo Bulawan, welcomed the esteemed European Union Ambassador to the Philippines, His Excellency LUC VÉRON to Camarines Norte.

Around 11:30 in the morning, His Excellency Luc Vѐron arrived at the Provincial Capitol Grounds. There, a festive welcome awaits the esteemed guests, consisted of His Excellency Luc Vѐron, Madame Nicole Weissman Vѐron, Lucile Martin (Programme Manager, EU Gender, Civil Society and Youth Focal Point), Michelin Alvarez (Finance Manager), Elaine Ramirez (Executive Assistant, Cooperation Section), His Excellency's chauffeurs, Sangguniang Panlalawigan Board Members, Camarines Norte State College President-Dr. Marlo Dela Cruz, Dra. Rosalie Almadrones, and significant personnel of PGCN offices.

Master of Ceremony Mr. Abel C. Icatlo (Head and Museum Curator of Museo Bulawan) started the program on time.

With his exhuding passion and love for God and country, Camarines Norte Governor Hon. Ricarte R. Padilla bestowed his gratitude to His Excellency Luc Vѐron through a message of appreciation and a Key to the Province of Camarines Norte.

In response, His Excellency Luc Véron delivered a speech of gratitude to all Camnorteños. The crowd gasped in awe when he greeted them in perfect diction of "Magandang araw po!".

As soon as the welcome program ended, His Excellency Luc Véron, Hon. Ricarte R. Padilla, and Dr. Marlo Dela Cruz proceeded to the Governor's office for a conversation and a special luncheon.

The European Union entourage soon journeyed to Museo Bulawan and Wenceslao Q. Vinzons Library where they were presented with the rich Camnorteño history, arts, and literary prowess. His Excellency Luc Vѐron then step foot in the vicinity of our First-Ever Rizal Monument in the World (Unang Bantayog ni Rizal) where he was welcomed with a cultural dance performance.

Subsequently, The European Union entourage was handed over to the care of Daet Municipal Tourism Office and Vinzons Municipal Tourism Office to fulfill His Excellency's itinerary.

Once again, mabuhay, and thank you for your special visit to Camarines Norte, His Excellency Luc Veron!/p>

article credits to: https://www.facebook.com/museobulawancn

Ang Civil Service Commission (CSC) ay isinapubliko ang sampung napiling natatanging mga opisyal at kawani ng pamahalaan para tumangap ng parangal na Outstanding Public Officials and Employees Award para sa taong 2023, na kilala rin bilang Dangal ng Bayan Award

Ang dedikasyon at pagmamalasakit ni Dr. Rex Adivoso Bernardo - Camarines Norte Provincial Disability Affairs Office sa kanyang trabaho at sa komunidad ay kinilala bilang isa sa sampung napili upang tumanggap ng nasabing parangal. Ang pagpili ay masusing tinalakay, pinag-usapan at pinagtibay ng Committee on Awards for Outstanding Public Officials and Employees, o Dangal ng Bayan.

Mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbigay ng parangal sa Awards Rites para sa Outstanding Government Workers sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace nitong ika-14 ng Pebrero, 2024. Ang Dangal ng Bayan Award ay isa sa tatlong kinikilalang pinakamataas na karangalan na maaaring matanggap ng lingkod-bayan sa kanyang gampanin sa gobyerno at ang pinaka-aasam na pagkilala na ipinagkakaloob ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga indibidwal o grupo, kabilang din ang Presidential Lingkod Bayan at CSC Pagasa Award sa dalawa pang karangalan na maaaring matanggap.

Ang pagkilala kay Dr. Bernardo ay nagpapakita ng kanyang matibay na pagsusulong sa adhikain at mga gawain para sa mga taong may kapansanan. Ang kanyang trabaho ay may malaking epekto sa buhay ng mga taong kanyang pinagsisilbihan, kaya't siya ay karapat-dapat na tumanggap ng parangal.

Layunin ng parangal na kilalanin at parangalan ang mga indibidwal na nagpakita ng halimbawa at di-matatawarang pagganap sa kanilang mga papel at responsibilidad, na malaki ang naitulong sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko sa Pilipinas.

Binabati ng CSC ang lahat ng mga ginawaran at kinikilala ang kanilang malaking ambag sa serbisyo-publiko. Ipinakikita ng mga indibidwal na ito ang mataas na pamantayan ng serbisyo, na nagiging inspirasyon.

Naging isang malaking okasyon ang seremonya ng pagkilala, na nagbibigay-pugay sa mga natatanging indibidwal na naglaan ng kanilang buhay sa serbisyo-publiko. Ito ay isang pagdiriwang ng diwa ng serbisyong pampubliko, na nabibigyang pansin sa kahanga-hangang gawain ng mga ordinaryong indibidwal na nagmamalasakit sa kapakanan ng kanilang kapwa Pilipino.

Samantala, ang naging malaking okasyon ay hindi pinalampas na masaksihan ng laging nakaagapay at nakasuportang Ama ng Lalawigan, Gobernador Ricarte “Dong” Padilla na dumalo kasama ni Dr. Rex. Bernardo. Isang patunay na maraming lingkod-bayan ang may tunay na malasakit sa kapwa at sariling atin, tubong Camarines Norte.

written by: Jayson De Lemon

article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte
photo credits to: https://www.facebook.com/dongpadilla001

Isang malaking selebrasyon ang pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na pinamumunuan ni Hon. Governor Ricarte R. Padilla, sa pamamagitan ng Museum, Archives and Shrine Curation Division, Community Affairs Division at Provincial Library of Camarines Norte na Mr. Abel C. Icatlo na pinamagatang Power Culture: An Art Exhibit Featuring The Kulturang Camnorteño and Testimonial and Recognition of Bar and Board Examination Topnotchers ang ginanap sa SM City Daet para sa paggunita ng National Arts Month para sa mga CamNorteño at Kintab Artist na sinabayan naman ng pag-alay ng pagpupunyagi sa mga CamNorteño Topnotchers noong 2023 sa Bar at Board Examinations.

Tampok dito ang mga obra ng mga CamNorteño at Kintab Artists na sina:
Maestro Harold Gomez
Maestro Ryan Morales
Maestro Ar yel villanueva
Maestro Roderick Imperio
Maestro Jonathan Reyes
Maestro Arlan Fulong
Maestra Marian San Agustin
Maestra Jeah Pauline Sayno
Maestro Dennis Habal
Maestro James Eidderf Elnar
Maestra Cris Fragata-Gomez
Maestra Carissa Salceda
Maestro Reymel Gonzaga
Maestro Jurrel Magistrado
Maestra Marivi Encinas
Maestro Michael Sales
Maestro Al Baleda
Maestro Jovet Ardales
Maestro Mac Allison A. Calleha
Maestro Frederic O. Arcilla
Maestro Nathaniel Ken H. Raro
Maestro Vincent Obusan

At ang mga CamNorteño Topnotcher naman na sina:

Ms. Ella Marie Savilla, RN
Top 16, Nursing Licensure Exam

Atty. Zes Trina Bañares Non, CPA
Top 10, Bar Examinations

Ms. Ruffa Mae Imperial, LPT
Top 9, Licensure Examination For Teachers (LET)

Mr. Ghar Christian Tesorero
Top 8, Agriculturists Licensure Examination (ALE)

Dr. Deksther Roben Del Pilar
Top 6, Veterinarian Licensure Examination

Mr. Jediael Alim Yanesa
Top 3, Pharmacist Licensure Examination (PHLE)

Mr. Aristotle Calayan Castronuevo, RN
Top 1, Nursing Licensure Examination

Dr. Anne Nicole Abes Caeg
Top 1, Dentistry Licensure Examination

Ito ay pagbibigay pugay sa tiyaga, sipag at talino ng mga mag-aral na CamNorteño at mga malikhaing isip ng mga pintor mula sa buong bicol. Ito ay naglalayong i-highlight ang makulay na kultural na pamana ng ating lalawigan at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay daan para sa mga mahuhusay na pintor at iskulptor na makapag palawak ng kanilang merkado, gayun din ang patuloy na pagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na ituloy ang kanilang mga pangarap at isaisip na ang pagsisikap at pagsusumikap ay may siguradong mabuting kahihinatnan.

Maaaring makita ang mga obra ng mga nabanggit na pintor sa 3rd Floor ng SM City Daet, katabi ng Infinitea.

article credits to: https://www.facebook.com/museobulawancn

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ika-6 ng Pebrero, 2024 sa Agro Sports Center ang Camarines Norte Provincial Government College Educational Assistance Program (CNPGCEAP) Distribution of Tuition Fee Reimbursement and Allowances sa mga benepisyaryong mag-aaral mula sa Camarines Norte State College (CNSC).

article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA