MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Umabot sa 681 kabataang CamÑorteno mula sa iba’t- ibang paaralan sa lalawigan ang nakatanggap ng Educational Assistance, sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Enero 30, 2024.

Sa mensaheng ipinaabot ni Vice Governor Joseph Ascutia, nagpasalamat ito kay Senator Tulfo sa tulong na ibinigay nito sa mga mag-aaral ng Camarines Norte gayundin, hinimok niya ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at gamitin ang natanggap na educational assistance sa tamang pamamaraan. “Mga kabataan, use this money para maging maganda at maayos ang inyong kinabukasan dahil hindi lagi makatatanggap ng limang libong Educational Assistance.”

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ay isinasagawa ng DSWD na may layuning makapagbigay ng tulong pinansyal sa bawat mag-aaral upang matugunan ang kanilang school fees, allowances, school projects at iba pa. Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Senador Raffy Tulfo dito sa ating lalawigan.

Ang distribusyon ay pinangunahan nina Vice Governor Ascutia, Political Officer of Senator Tulfo Roferth Dayao, Board Member Stanley Alegre, Ms Anica Padilla at PSWD Officer Cynthia Dela Cruz.

Article credits to: https://www.facebook.com/Engr.JosephVillaverdeAscutia

photo credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA