MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Ginanap ang pagbabasbas ng panibagong firetruck ng Daet Central Fire Station nitong ika-28 ng Disyembre, 2023 sa Provincial Capitol Grounds, Daet Camarines Norte.

Ito ay pinaunlakan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mensahe para sa kanyang mga kababayan. Sa panayam ng ating Gobernador ay nabanggit din ang iba pang mga bayan na nakatanggap ng firetrucks tulad ng Talisay, Sta. Elena, San Lorenzo, San Vicente at Jose Panganiban.

Labis na kagalakan at pasasalamat naman ang handog ng ating mga bumbero dahil sa malaking tulong ito para sa kanilang serbisyo at agarang aksyon sa panahon ng sakuna.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Isinagawa ang huling araw ng DOLE Tupad Payout ngayong ika-22 ng Disyembre, 2023 para sa 12 munisipalidad ng Camarines Norte na sa kabuuan ay binubuo ng 6,681 benepisyaryo. Ang nasabing payout ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Senator Robinhood Padilla at Ako Bicol Partylist sa pangunguna nina Cong. Zaldy Co at Cong. Atty. Jil Bongalon.

Ang programang TUPAD o Ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers ay naglalayong matulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng pandemya at kalamidad.

Laking pasasalamat naman ang handog ng mga benepisyaryo dahil sa malaking tulong para sa kanilang pamumuhay lalo na sa mga naaapektuhan ng mga kalamidad ang pay-out na naganap.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte/p>

Light A Tree 2023 Ceremonial Lights On

Credits to: https://www.facebook.com/GoCamNorte

Kasabay ng pagsisimula ng bagong linggo para sa pagseserbisyo, ngayong araw sa flag-raising ceremony ay puno ng galak na tinanggap ng Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Dong Padilla ang glass marker mula sa parangal na nakuha ng lalawigan na 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG). Ang pagkilalang ito ay bunga ng kahusayan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Isinagawa rin ngayong araw ang Blessing and Awarding ng apatnapung (40) Emergency Rescue Vehicle sa iba't ibang ibang barangay dito sa probinsya. Tinanggap ng mga Kapitan at iba pang opisyal ng barangay ang sasakyan. Ang pakiusap lamang ni Governor Dong "Nawa po ito'y inyong alagaan, pagmalasakitan at magamit ng lahat ng nangangailangan sapagkat ito ay pagmamay-ari ng taumbayan."

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte/p>

Bahagi ng pagpapalawig at pagsasakatuparan ng mga hangarin at pangitain ng Administrasyong Padilla-Ascutia, ang Alay-Eskwela Program patuloy na isinasagawa. Isa ito sa sa mga flagship program ng administrasyon na tugon sa mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Sa pamamagitan ng Alay Eskwela Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ay isinagawa kahapon ika-20 ng Nobyembre 2023 ang Distribution of String Bags With School Supplies sa mga paaralan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Kabilang sa mga paaralan na pinuntahan ay ang San Isidro Elementary School (SIES), San Isidro Alcantara High School (SIAHS), Salvacion (B) Elementary School, S. Delos Santos Elementary School at Mampurog Elementary School (MES). Sa kabuuan ay umabot sa 1,202 na School Supply Set ang naipamahagi.

Sa pangunguna ng Community Affairs Office (CAO) Staffs ay binisita ang mga paaralan para iabot ang tulong sa edukasyon. Bagamat may kalayuan, ay sinigurado ng tanggapan na maipararating ang lahat ng tulong mula sa Provincial Government.

Nagsilbing kinatawan ni Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia si Mayor Adrian Davoco ng Basud. Sa mensaheng dala ni Mayor Adrian ay nabanggit niya na sa ilalim ng programang Alay Eskwela ay layunin umano ng Pamahalaang Panlalawigan na maging bahagi kahit sa simpleng paraan lamang sa pagtupad ng mga pangarap at pangitain ng bawat kabataang Camnorteño.

Samantala, sa isinagawang Turn-over Ceremony sa mga paaralan, ay buong-pusong tinanggap ng mga School Principals at School Heads kalakip ang kanilang nag-uumapaw na pasasalamat sa tulong sa mga bata.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA