MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Bahagi ng pagpapalawig at pagsasakatuparan ng mga hangarin at pangitain ng Administrasyong Padilla-Ascutia, ang Alay-Eskwela Program patuloy na isinasagawa. Isa ito sa sa mga flagship program ng administrasyon na tugon sa mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Sa pamamagitan ng Alay Eskwela Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ay isinagawa kahapon ika-20 ng Nobyembre 2023 ang Distribution of String Bags With School Supplies sa mga paaralan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Kabilang sa mga paaralan na pinuntahan ay ang San Isidro Elementary School (SIES), San Isidro Alcantara High School (SIAHS), Salvacion (B) Elementary School, S. Delos Santos Elementary School at Mampurog Elementary School (MES). Sa kabuuan ay umabot sa 1,202 na School Supply Set ang naipamahagi.

Sa pangunguna ng Community Affairs Office (CAO) Staffs ay binisita ang mga paaralan para iabot ang tulong sa edukasyon. Bagamat may kalayuan, ay sinigurado ng tanggapan na maipararating ang lahat ng tulong mula sa Provincial Government.

Nagsilbing kinatawan ni Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia si Mayor Adrian Davoco ng Basud. Sa mensaheng dala ni Mayor Adrian ay nabanggit niya na sa ilalim ng programang Alay Eskwela ay layunin umano ng Pamahalaang Panlalawigan na maging bahagi kahit sa simpleng paraan lamang sa pagtupad ng mga pangarap at pangitain ng bawat kabataang Camnorteño.

Samantala, sa isinagawang Turn-over Ceremony sa mga paaralan, ay buong-pusong tinanggap ng mga School Principals at School Heads kalakip ang kanilang nag-uumapaw na pasasalamat sa tulong sa mga bata.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA