MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Kasalukuyang isinasagawa ang pamamahagi ng tulong pampinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Governor Ricarte "Dong" Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia sa pamamagitan ng Provincial Government High School Education Assistance Program (PGHSEAP) sa Camarines Norte National High School (CNNHS) sa Brgy. Camambugan, Daet Camarines Norte. Tinataya na humigit-kumulang 600 na estudyante mula sa nasabing paaralan ang tatanggap ng 2,000.00 (dalawang libong piso)bawat isa bilang tulong ng pamahalaan sa mga Camnorteñong mag-aaral na nasa ikapitong baitang.

Nagbigay naman ng maikli ngunit makahulugang mensahe ang punong-guro ng CNNHS sa katauhan ni Mr. Francisco Torrero— School Principal II, aniya ang ganitong programa ng pamahalaan ay malaking tulong sa mga kabataan lalo't higit para sa mga kabataan na nangangailangan ng pinansiyal na tulong dahil sa hirap ng buhay ngayon. Bunga nito, mas pinaigting at mas pinatotohanan ni Atty. Niño Raro — OIC School Division Superintendent, na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Kanya ring nabanggit ang pagbibigay-diin na kahanga-hanga ang pamumuhunan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kabataan para sa kinabukasan ng probinsya at ng buong bansa. Patuloy naman ang paghahatid ng pagmamahal at suporta ng Ama at Pangalawang Ama ng Lalawigan sa pamamagitan ni Mr. Johnmar Pasatiempo na kinatawan sa pagbibigay mensahe dahil na rin sa magkasabay na pagpupulong na nakatakda ngayong araw.

akikita naman ang mga ngiti at tuwa sa mga kabataan na nakatanggap ng tulong dahil kahit papaano ay maiibsan ang kakulangang pinansiyal na kanilang idinadaing.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA