MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

PMRB Meeting Via Zoom at Governor's Conference Room, Camarines Norte Provincial Capitol.

Naganap ang pagpupulong ng PMRB Regional at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte upang pag-usapan ang ilang mga bagay ukol sa "status and updates" ng aplikasyon sa Minahang Bayan at ang kahilingang mas mapalawig pa ng isang taon ang mga kontrata bunsod na rin ng abalang dinulot ng naranasang pandemya noong mga nakaraang taon.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Nakatakdang magtayo ng meteorological mast o met mast sa mga piling lugar sa Jose Panganiban at Capalonga para sa "Mirus Wind Energy Corp. (MWEC) Camarines Norte Wind Power Project: Municipalities of Jose Panganiban and Capalonga" base sa pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Vena Energy Philippines at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Gobernador Ricarte "Dong" Padilla at Bise Gobernador Joseph V. Ascutia, sa tulong ng Panlalawigang Museo na pinamumunuan ni G. Abel Icatlo, na naganap nitong ika-18 ng Mayo 2023 sa Governor’s Conference Room ng Provincial Capitol Building ng naturang probinsya.

Ang met mast ay itatayo para masukat ang lakas ng hangin at malaman kung sasapat ito o akma na paglagyan ng naturang proyekto. Maliban dito ay magkakaroon din ng Environmental Impact Assessment upang maikonsidera ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Ang lahat ng gagastusin, mula sa permit, requirements at lahat ng proseso maging ang bayarin sa lupa na pagtatayuan ng proyektong ito ay nilinaw sa nasabing pagpupulong na walang kahit isang kusing na ilalabas mula sa gobyerno, munisiplidad o barangay man, kundi ang lahat ng pondo ay sagot ng Vena Energy Philippines.

Ang tanging hiling ng Vena Energy ay mapagkalooban sila ng Endorsement at ng Certificate of No Objection mula sa Sangguniang Barangay, Bayan at Panlalawigan sa mga naturang lugar.

Kumpiyansa at positibo naman si Gov. Dong na ito ay magiging malaking tulong sa usapin ng mataas na presyo ng kuryente sa probinsya na kanyang pinamumunuan . Lubos naman ang pasasalamat ng mga kinatawan ng Vena Energy sa mainit na pagtanggap at suporta ng ng Jose Panganiban Municipal Mayor na magiging daan upang mas mabilis ang pagproseso at pagsasakatuparan ng naturang proyekto. Nagpapasalamat din ang mga kinatawan ng Vena Energy sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na pinangungunahan ni Governor Hon. Ricarte "Dong" Padilla at Vice Governor Engr. Joseph V. Ascutia.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Marivic Acuyong-Project Management Team of Camarines Norte Wind Project, Joseph Luzuriag-Project Management Team Camarines Norte Wind Project- Aaron S. Mabini, Technical Services - Development and Construction Manager kasama din si Mayor Ariel Non at Vice Mayor Casimero Padilla ng munisipalidad ng Jose Panganiban, mga kinatawan ng Barangay San Jose, Jose Panganiban at iba pang kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.

Ang met mast ay itatayo para masukat ang lakas ng hangin at malaman kung sasapat ito o akma na paglagyan ng naturang proyekto. Maliban dito ay magkakaroon din ng Environmental Impact Assessment upang maikonsidera ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Witness tomorrow the most beautiful day in Camarines Norte!
18 exquisite Cam Norteñas will battle it out for the 3 crowns at stake.
Hosted by Miss Global 2022, Shane Quintana Tormes!
Free Admission! Kitakits Cam Norteños!

BINIBINING CAMARINES NORTE 2023 is brought to you by the Provincial Government of Camarines Norte headed by Governor Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia and Sangguniang Panlalawigan Members and Provincial Tourism Operations Office.

Credits to: https://www.facebook.com/GoCamNorte

Bumisita, nakipagpulong at nag-obserba ng mga best practices sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna ni Gov. Ricarte “Dong” Padilla, Vice Gov. Joseph Ascutia, Board Member Stanley Alegre, Board Member John Carlo “Lukad” de Lima, at mga department heads nitong ika- 12 at 13 ng Mayo, 2023.

Sa mensahe ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor, sinabi niya na isinusulong ng kanyang administrasyon ang “7k Program” na binubuo ng “Kadunungan, Kabuhayan, Kalinigan, Kagandahan, Kalikasan, Katrangkiluhan at Kalusugan” (“Karunungan, Kabuhayan, Kalinisan, Kagandahan, Kalikasan, Kapayapaan at Kalusugan”). Aniya, ito ay mga basic services din lang pero ang ginawa niya ay “sinistema ang sistema”. Dagdag pa ni Gov. Boboy, “ang Gobyerno ay isang sistema pero inayos ang sistema para tangkilikin ng mga tao”. Nagbigay din ng mensahe sina Sorsogon Vice Governor Krunimar Antonio “Jun-jun” Escudero II at ang sariling atin na Governor Ricarte “Dong” Padilla.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga department heads ng dalawang lalawigan na makausap ang kani-kanilang counterpart, bisitahin ang opisina ng mga ito, at magbahagi ng kanilang mga best practices sa kaukulang departamento.

Maliban sa “7k Program”, ang Probinsya ng Sorsogon ang nangunguna rin sa pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) at digitalization sa mga opisina at transaksyon. Kapansin-pansin din sa iba’t-ibang lugar sa probinsya ang nakasulat na “Beautiful Sorsogon, Una an Sorsogon”.

Matatandaang sinundan ni Gov. Boboy Hamor ang termino ng dating Gobernador na ngayo’y Senator Francis “Chiz” Escudero na siya namang nagmukna ng malalaki at mahahalagang proyektong imprastraktura tulad ng Capitolyo at Colliseum ng Probinsya ng Sorsogon.

Nagpunta rin ang grupo ng Camarines Norte sa Museo na lalong nagpaigting ng kasaysayan, pagkakakilanlan at pagmamahal sa bayan ng mga taga-Sorsogon. Samantala, sa socials night ay nagtanghal naman ng halos tatlong oras na mala-konsiyertong palabas na nilahukan din ni Gov. Boboy.

Lubos ang kagalakan ni Gov. Dong Padilla sa init ng pagtanggap ng binisitang Lalawigan at namutawi sa kanyang labi na masusundan pa ang mga aktibidades at pagtutulungan ng dalawang probinsya.

PMRB Meeting Via Zoom at Governor's Conference Room, Camarines Norte Provincial Capitol.

 

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Kasing-init ng panahon ang naging pagbubukas ng ika-19 na Bantayog Festival sa lalawigan ng Camarines Norte.
Makulay, masaya at maingay – tunay na kahulugan ng pagdiriwang ang ipinakita at ipinaramdam ng mga Cam Norteño sa muling pagbabalik ng ng Bantayog Festival 2023!
Naririnig ka namin! Narito ang ilang mahahalagang kaganapan na nakuha namin sa aming mga litrato.

Halika, balikan natin!

Kitakits sa mga susunod na aktibidad mga kababayan!

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA