MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Nakatakdang magtayo ng meteorological mast o met mast sa mga piling lugar sa Jose Panganiban at Capalonga para sa "Mirus Wind Energy Corp. (MWEC) Camarines Norte Wind Power Project: Municipalities of Jose Panganiban and Capalonga" base sa pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Vena Energy Philippines at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Gobernador Ricarte "Dong" Padilla at Bise Gobernador Joseph V. Ascutia, sa tulong ng Panlalawigang Museo na pinamumunuan ni G. Abel Icatlo, na naganap nitong ika-18 ng Mayo 2023 sa Governor’s Conference Room ng Provincial Capitol Building ng naturang probinsya.

Ang met mast ay itatayo para masukat ang lakas ng hangin at malaman kung sasapat ito o akma na paglagyan ng naturang proyekto. Maliban dito ay magkakaroon din ng Environmental Impact Assessment upang maikonsidera ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Ang lahat ng gagastusin, mula sa permit, requirements at lahat ng proseso maging ang bayarin sa lupa na pagtatayuan ng proyektong ito ay nilinaw sa nasabing pagpupulong na walang kahit isang kusing na ilalabas mula sa gobyerno, munisiplidad o barangay man, kundi ang lahat ng pondo ay sagot ng Vena Energy Philippines.

Ang tanging hiling ng Vena Energy ay mapagkalooban sila ng Endorsement at ng Certificate of No Objection mula sa Sangguniang Barangay, Bayan at Panlalawigan sa mga naturang lugar.

Kumpiyansa at positibo naman si Gov. Dong na ito ay magiging malaking tulong sa usapin ng mataas na presyo ng kuryente sa probinsya na kanyang pinamumunuan . Lubos naman ang pasasalamat ng mga kinatawan ng Vena Energy sa mainit na pagtanggap at suporta ng ng Jose Panganiban Municipal Mayor na magiging daan upang mas mabilis ang pagproseso at pagsasakatuparan ng naturang proyekto. Nagpapasalamat din ang mga kinatawan ng Vena Energy sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na pinangungunahan ni Governor Hon. Ricarte "Dong" Padilla at Vice Governor Engr. Joseph V. Ascutia.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Marivic Acuyong-Project Management Team of Camarines Norte Wind Project, Joseph Luzuriag-Project Management Team Camarines Norte Wind Project- Aaron S. Mabini, Technical Services - Development and Construction Manager kasama din si Mayor Ariel Non at Vice Mayor Casimero Padilla ng munisipalidad ng Jose Panganiban, mga kinatawan ng Barangay San Jose, Jose Panganiban at iba pang kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.

Ang met mast ay itatayo para masukat ang lakas ng hangin at malaman kung sasapat ito o akma na paglagyan ng naturang proyekto. Maliban dito ay magkakaroon din ng Environmental Impact Assessment upang maikonsidera ang posibleng epekto nito sa kalikasan.

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA