MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Bumisita, nakipagpulong at nag-obserba ng mga best practices sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna ni Gov. Ricarte “Dong” Padilla, Vice Gov. Joseph Ascutia, Board Member Stanley Alegre, Board Member John Carlo “Lukad” de Lima, at mga department heads nitong ika- 12 at 13 ng Mayo, 2023.

Sa mensahe ni Sorsogon Governor Edwin “Boboy” Hamor, sinabi niya na isinusulong ng kanyang administrasyon ang “7k Program” na binubuo ng “Kadunungan, Kabuhayan, Kalinigan, Kagandahan, Kalikasan, Katrangkiluhan at Kalusugan” (“Karunungan, Kabuhayan, Kalinisan, Kagandahan, Kalikasan, Kapayapaan at Kalusugan”). Aniya, ito ay mga basic services din lang pero ang ginawa niya ay “sinistema ang sistema”. Dagdag pa ni Gov. Boboy, “ang Gobyerno ay isang sistema pero inayos ang sistema para tangkilikin ng mga tao”. Nagbigay din ng mensahe sina Sorsogon Vice Governor Krunimar Antonio “Jun-jun” Escudero II at ang sariling atin na Governor Ricarte “Dong” Padilla.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga department heads ng dalawang lalawigan na makausap ang kani-kanilang counterpart, bisitahin ang opisina ng mga ito, at magbahagi ng kanilang mga best practices sa kaukulang departamento.

Maliban sa “7k Program”, ang Probinsya ng Sorsogon ang nangunguna rin sa pagpapatupad ng Universal Healthcare (UHC) at digitalization sa mga opisina at transaksyon. Kapansin-pansin din sa iba’t-ibang lugar sa probinsya ang nakasulat na “Beautiful Sorsogon, Una an Sorsogon”.

Matatandaang sinundan ni Gov. Boboy Hamor ang termino ng dating Gobernador na ngayo’y Senator Francis “Chiz” Escudero na siya namang nagmukna ng malalaki at mahahalagang proyektong imprastraktura tulad ng Capitolyo at Colliseum ng Probinsya ng Sorsogon.

Nagpunta rin ang grupo ng Camarines Norte sa Museo na lalong nagpaigting ng kasaysayan, pagkakakilanlan at pagmamahal sa bayan ng mga taga-Sorsogon. Samantala, sa socials night ay nagtanghal naman ng halos tatlong oras na mala-konsiyertong palabas na nilahukan din ni Gov. Boboy.

Lubos ang kagalakan ni Gov. Dong Padilla sa init ng pagtanggap ng binisitang Lalawigan at namutawi sa kanyang labi na masusundan pa ang mga aktibidades at pagtutulungan ng dalawang probinsya.

PMRB Meeting Via Zoom at Governor's Conference Room, Camarines Norte Provincial Capitol.

 

Credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA