MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Aabot sa 2,100 college students mula sa ibat-ibang kolehiyo dito lalawigan ang tumanggap ng kani-kanilang mga tuition fee reimbursement & allowances na may kabuuang halagang P8,094,000 ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Provincial Government College Educational Assistance Program (PGCEAP). Pinangunahan nina Gov Dong Padilla at Vice-gov. Joseph V. Ascutia ang naturang distribution na ginanap sa 2 venue ang una ay sa labo convention center para sa mga grantees mula sa 1st distrct at ang pangalawa naman ay sa CN Agro Sports Center sa mga grantees mula naman sa 2nd district. Ang mga mag aaral mula sa CNSC state colleges ay tumanggap ng tig-P3,000 samantalang ang mag aaral mula naman sa ibat-ibang pribadong kolehiyo ay tumanggap ng tig-P5,000. Dumalo din sa pamamahaging ito sina board members Stanley Alegre, Tess Malubay , Winnie Oco at Lukad De Lima. Naroon rin si Labo mayor Jojo Francisco. Ang programang ito ay pinangangasiwaan ng Community Affairs Office sa pamumuno ni Ms. Lorena D. Ibasco, Admin Officer V/ICO. Ang distribution na ito ay pauna pa lamang at may susunod pa na aktibidad tulad nito.

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA