MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Naipamahagi na ang educational financial assistance para sa 216 Grade 7 students ng Mercedes High School na nagkakahalaga ng tig-P2,000 bawat isa sa kabuuang pondo na P432,000.00, umaga ng July 21, 2020 at ito ay isinagawa sa Jimmy P. Lo Sports Complex ng bayan ng Mercedes.

Pinangunahan ng Community Affairs Office ang nasabing aktibidad at ang mga magulang ng mag-aaral ang tumanggap ng nasabing halaga dahil bawal pa ring lumabas ng tahanan ang mga menor de edad, susog na rin sa direktiba sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) dulot ng COVID-19. Mahigpit ring ipinatupad sa pamamahagi ang tamang health protocols sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Ang PGHSEAP ay isa sa mga programa ng Provincial Government na nagbibigay ng tulong at ayuda para sa mga kwalipikadong mag-aaral ng Grade 7 sa buong lalawigan ng Camarines Norte na naisakatuparan sa panahon ng panunungkulan ni Governor Egay Tallado,

Ngayong hapon, ipinamamahagi naman ang halagang P570,000.00 para sa 285 Grade 7 students ng San Roque High School sa nasabi ring bayan. (Roden “Raven” Rosario, DWCN-FM, 96.9)

 

credits to: https://www.facebook.com/CNPIO

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA