Sa pangunguna ng Padilla-Ascutia Administration at sa tulong ng โฑ50 milyong pondo mula kay Senator Robin Padilla, sinimulan na nitong Nobyembre 8, 2024, ang konstruksyon ng ospital sa Barangay Mangcawayan, Calaguas Islands sa Vinzons, Camarines Norte. Magkakaroon ito ng 12 kama, modernong pasilidad tulad ng outpatient clinic, maternity ward, at emergency room. Magsisilbing malaking tulong ang nasabing proyekto sa mga residente ng Barangay Mangcawayan, Barangay Binocboc, at Barangay Pinagtigasan, pati na rin sa mga turistang bumibisita.
ย
Pinag-ugatan ng proyektong ito ang panukalang ordinansa ni Bokal Teresita De Leon Malubay, na naipasa na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan sa ilalim ng maayos na pamumuno nila Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia.
ย
Patunay ito ng pangako ni Governor Dong Padilla na magbigay ng mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa Calaguas.
.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office