πŠπ€ππ”π”π€ππ† 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐀 β‚±πŸ.πŸ’ πŒπˆπ‹π˜πŽππ† ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜ 𝐂𝐀𝐒𝐇 π†πˆπ…π“ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ 𝐀𝐓 𝐏𝐖𝐃𝐒, πˆππˆππ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐄𝐋𝐄𝐍𝐀

Bahagi ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na mas paigtingin at alagaan ang sektor ng mga nakatatanda at Persons With Disability (PWDs), isinagawa ang Birthday Cash Gift Distribution sa ilalim ng programa para sa Older Persons and Auxiliary Services Program for Persons with Disabilities nitong ika-30 ng Abril, 2026 sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.
Β 
Sa pamumuno nina Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), matagumpay na ipinamahagi ang naturang cash gift sa 1,970 na senior citizens at 450 na PWDs mula sa mga barangay ng Patag Ibaba, Patag Iraya, Maulawin, Tabugon, Don Tomas, Kabuluan, Guitol, Plaridel, San Pedro, Kagtalaba at Bulala.
Β 
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-isang libo (β‚±1,000) na sa kabuuang halaga ay β‚±2,420,000.00.
Personal namang dumalo sa Provincial Administrator Don Padilla upang ipakita ang kanyang pagmamahal, paggalang at pagsuporta sa ating mga nakakatanda at PWDs.
Β 
Labis na kagalakan ang hatid ng biyayang ito para sa mga benepisyaryo dahil malaking tulong ito sa kanilang pangunahing pangangailangan lalo na ngayon sa panahon ng krisis.
Β 
Ang inisyatibo at programang ito ay isang patunay na ang administrasyong Padilla-Ascutia ay patuloy na ipinagkakaloob ang dekalidad na serbisyo-publiko para sa bawat mamamayan, at walang sektor ang naiiwan sa ating lalawigan mapabata man o matanda, o kahit saang sektor man.
Share the Post:

Related Posts

πŠπ€ππ”π”π€ππ† 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐀 β‚±πŸ.πŸ’ πŒπˆπ‹π˜πŽππ† ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜ 𝐂𝐀𝐒𝐇 π†πˆπ…π“ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π’π„ππˆπŽπ‘ π‚πˆπ“πˆπ™π„ππ’ 𝐀𝐓 𝐏𝐖𝐃𝐒, πˆππˆππ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐄𝐋𝐄𝐍𝐀

πŸπŸ’ 𝐍𝐀 π…πˆπ’π‡πˆππ† ππŽπ€π“ π–πˆπ“π‡ πŒπ€π‘πˆππ„ π„ππ†πˆππ„ 𝐀𝐓 πŸπŸ“ 𝐒𝐄𝐀𝐖𝐄𝐄𝐃 π…π€π‘πŒ πˆπŒππ‹π„πŒπ„ππ“π’, πˆππˆππ€π†πŠπ€π‹πŽπŽπ 𝐍𝐆 πŠπ€ππˆπ“πŽπ‹π˜πŽ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ„ππ„ππˆπ’π˜π€π‘π˜πŽππ† π…πˆπ’π‡π„π‘π…πŽπ‹πŠπ’