Sa pangunguna nina Governor Dong Padilla at Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, nagsagawa ng pamamahagi ng mga relief goods sa barangay Luklukan Sur, Plaridel, Parang, Sta. Rosa Norte sa bayan ng Jose Panganiban at barangay Casalugan sa bayan ng Paracale na napinsala ng Bagyong Kristine nitong Oktubre 25, 2024. Ang kaniyang maagap na pagtugon ay nagbigay ng pag-asa at lunas sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.
Sa pamamagitan ng koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, DSWD, PSWDO, PNP, mga organisasyon ng sibilyan, at mga volunteers, matagumpay na naipamahagi ni Gov. Dong Padilla at ng kaniyang grupo ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at iba pang kasangkapan na makakatulong sa mga nasalanta.
Sa kabila ng unos at pangamba na dulot ng Bagyong Kristine, umusbong ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa pamamagitan ng liderato nina Gobernador Dong Padilla at Bise Gobernador Joseph Ascutia. Ang kanilang pagmamalasakit at simpleng pagkilos sa pagtulong ay nagdulot ng pag-asa at inspirasyon sa mga nasalanta, na nagpapakita kung paano ang pagtutulungan at pagkakaisa ay maaaring magdulot ng liwanag sa gitna ng dilim at hinagpis.