Pagpupugay sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Engr. Joseph Ascutia sa muling pagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) – ang pinakamataas na karangalan na ipinagkakaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga natatanging lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.
Maliban dito ay dalawa ring bayan sa ating lalawigan ang muling nabigyan ng prestihiyosong karangalang ito – ang masaganang bayan ng Basud sa pamumuno ni Mayor Adrian Davoco at ang ginintuang bayan ng Paracale, sa pamumuno ni Mayor Romeo Moreno.
Sa 41 probinsyang pinarangalan, isa ang Camarines Norte sa 714 iba pang lokal na pamahalaan na binubuo ng mga siyudad, munisipalidad at iba pang probinsya sa Pilipinas.
Ito ay patunay sa may direksyon at progresibong pamumuno ng administrasyong Padilla-Ascutia na nakasentro sa serbisyong Alay sa Diyos, Alay Sa Bayan at di nagmamaliw na paggiliw sa ating lalawigan – sa bayan.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office