πŠπ€π’πˆπ˜π€π‡π€π 𝐀𝐓 ππ€π†π“π€π“π€π†π”π˜πŽπƒ 𝐍𝐆 πˆπ’ππŽπ‘π“π’, ππˆπƒπ€ 𝐒𝐀 πˆππ“π„π‘-πŽπ…π…πˆπ‚π„ π’ππŽπ‘π“π’ 𝐅𝐄𝐒𝐓

Mahalagang bagay na ambag at dulot ng isports ay ang buti nitong dala sa pisikal na kalusugan at paghubog ng karakter ng mga manlalaro.
Β 
Ngayong araw ika-25 ng Hulyo, 2024 sa Agro Sports Center ay matagumpay na naisagawa ang pormal na pagbubukas ng Inter-Office Sports Fest ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.
Β 
Ang 2024 Inter-Office Sports Fest ay may pangunahing tema na “Rhythms of Unity and Sports for Change”, na talaga namang ipinamalas sa paligsahang Mass Demonstration (Mass Demo) ngayong araw.
Β 
Tampok sa opening program ng sports fest ngayon araw ay pagpapakilala at pagpapasikat ng mga Escort and Muse ng bawat Cluster. Isinagawa rin ngayong araw ang Mass Demo Contest kung saan itinanghal na panalo ang mga sumusunod:
Β 
Champion – Cluster 4 (PPDO, PTO, PACCTO, PBO, VGO/SP)
1st Runner up – Cluster 1 (PIO, Itext Mo Si Dong, PGSO, IAS)
2nd Runner up – Cluster 3 (Admin Office, Dong Tulong, GO, PYDO, SPAO, USSAP)
3rd Runner up – Cluster 2 (MASCD, Provl. Library, PTouO, CAO, PLO, PSWDO & PENRO)
4th Runner up – Cluster 6 (CNPH, LDH, CMH)
Β 
Kabilang sa mga laro na isasagawa at dapat asahan ay ang mga sumusunod; Badminton, Chess, Darts, Basketball, Mobile Legends Bang Bang at Volleyball.
Β 
Bisita sa gawain at nagpakita ng suporta ay sina Ms. Anica Padilla – Special Assisstant to the Governor, Provincial Administrator Don Eduardo S. Padilla, Provincial Board Member Rey Kenneth Oning.
Β 
Ang katagumpayan ng gawain ay naging posible sa suporta ng Administrasyong Padilla-Ascutia sa pamamagitan ng Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO) sa pangunguna ni Ms. Diday AbaΓ±o.
Share the Post:

Related Posts