πŒπ€πŠπ€ππ€π†πŽππ† π˜π”ππˆπ“ 𝐍𝐀 πŒπŽππˆπ‹π„ π‚π‹πˆππˆπ‚ 𝐀𝐓 π€πŒππ”π‹π€ππ’π˜π€, 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€ππ† ππ€ππ‹π€π‹π€π–πˆπ†π€π 𝐍𝐆 π‚π€πŒπ€π‘πˆππ„π’ ππŽπ‘π“π„

Isinagawa ang Blessing at Turn-over Ceremony ng mga yunit ng mobile clinic at ambulansya sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa pamamagitan ng pagsisikap at dedikasyon nina Governor Ricarte β€œDong” Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia. Isinagawa ito kahapon, ika-18 ng Hulyo sa Provincial Capitol Grounds.

Ang naturang ambulansya ay nanggaling mismo sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan na nakalaan sa kasalukuyang administrasyon at ang mobile clinic ay nagmula kay Pangulong Marcos o sa Pamahalaang Nasyonal.

Ang nasabing mobile clinic at ambulansya ay isang napakalaking tulong para sa mga isinasagawang medical at surgical missions lalo na sa mga programang USSAP o Ugnayan sa Siguradong Serbisyo Alay Pambarangay at AKAP o Alaga at Kalinga Alay Pangkalusugan sa ilalim ng Padilla-Ascutia Administration. Nakapaloob sa mobile clinic ang X-ray, Ultrasound at ECG Machines, mga kagamitan para sa blood sugar testing, kidney, liver, cholesterol at iba pang pangangailangan para sa laboratory tests.

Labis na pasasalamat ang ipinaaabot ng buong Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte dahil ang mga makabagong emergency vehicle at mobile clinic ay magagamit sa kapanahunan ng sakuna at mga uri ng emergencies lalo na sa pagsasagawa ng medical assistance na ibinibigay sa bawat CamNorteΓ±o.

#AlaysaDiyosAlaysaBayan

Share the Post:

Related Posts