2024 PlanetGOLD Global Forum on ASGM

𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭𝐆𝐎𝐋𝐃 𝐆𝐥𝐨𝐛𝐚𝐥 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐨𝐧 𝐀𝐒𝐆𝐌, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞

Isang pambihirang pagkakataon at karangalan sa lalawigan ang nangyaring 2024 planetGOLD Global Forum on ASGM sa isang project site sa Barangay Casalugan, Camarines Norte nitong nakaraang sabado ika-8 ng Hunyo, 2024.
 
Humigit-kumulang dalawampung (20) bisita na pawang mga foreign at local delegates ang aktibong nakiisa at lumahok sa pagtuklas ng Artisanal Small-scale Gold Mining (ASGM) Area na pinalalakas at kung saan matatagpuan ang isang Mercury-Free Processing Facility (MFPS) na naitatag sa pamamagitan ng PlanetGOLD Programme.
 
Ang planetGOLD Programme ay may layuning tulungan ang artisanal at small-scale gold miners na palitan at alisin ang paggamit sa pagmimina ng nakakasamang kemikal na mercury ng mas malinis at tamang pamamaraan. Kabilang din sa layunin ng programa ang pagpapabuti sa pag-akses sa pinansyal at pagpapadali ng pormalisasyon o legalisasyon ng sektor ng ASGM.
 
Kabilang sa mga lumahok sa maituturing na “global event” na gawain – field trip sa isang project site sa Paracale, Camarines Norte ay ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng Artisanal Gold Council (AGC), PlanetGOLD Philippines Project, United Nations Environment Programme (UNEP), United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), National Resources Defense Council (NRDC), Mines and Geosciences Bureau Central Office at Regional Office, Environmental Management Bureau (EMB), Arrowhead Media, Vogue Business at Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte. Kabilang rin sa mga dumalong bisita na foreign delegates ay mula sa mga bansang Burkina Faso, Colombia, Kenya, Madagascar, Mongolia, Nicaragua at Suriname.
 
Sa kabuuan ay naging mapayapa, produktibo at matagumpay ang gawaing naging espasyo para sa pagpapalitan ng kaalaman, pagsasama-sama ng iba’t ibang ASGM sector para sa pagkatuto sa isa’t isa.
Share the Post:

Related Posts