PNP CAMARINES NORTE, NANUMPA SA WOMEN’S SUPPORT NETWORK; IKA-30 PCR MONTH, NAGSIMULA NA

Nakiisa ang Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa nationwide oath-taking ceremony ng Women’s Support Network (WSN) officers sa pamamagitan ng virtual participation. Ang seremonya ay ginanap kasabay ng paglulunsad ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month Celebration sa Multi-Purpose Building, Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte nitong ika-1 ng Hulyo, 2025.

Ang temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!” ay nagpapakita ng panibagong pangako ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad at pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.

Dumalo si Honorable Mayor Mariano “Bong” E. Palma, mula sa bayan ng San Vicente bilang Guest of Honor and Speaker. Nagbigay siya ng mensahe na nagpapaabot ng suporta sa mga inisyatiba ng PNP at ng mga kasosyo nito sa komunidad. Dumalo rin ang mga opisyal at miyembro ng Camarines Norte Officers Ladies Club Foundation, Inc., mga kinatawan mula sa Citizen’s Information and Assistance (CIA), at iba’t ibang stakeholders sa komunidad. Ipinapakita nito ang diwa ng pakikipagtulungan at bayanihan na patuloy na nagpapalakas sa ugnayan ng pulisya at publiko sa pagtatayo ng isang mas ligtas at progresibong komunidad.
Share the Post:

Related Posts