Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa ilalim ng pamumuno nina Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia, sa pamamagitan ng Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO), matagumpay na isinagawa ang Bantayog Summer Youth Camp 2025 nitong June 20- 22 sa Vinzons Pilot High School (VPHS) Vinzons, Camarines Norte.
Sa ilalim ng temang “Intergenerational Solidarity: Call for Global Action”, tampok sa gawain ang iba’t ibang mahahalagang gawain tulad ng seminars/workshops na handog ng mga NGOs at mga tanggapan mula sa Provincial Capitol at mga National Government Agencies (NGAs). Isang pagkakataon rin ang gawain para makapagpakitang-gilas ang mga kabataang CamNorteño sa mga kompetisyon tulad ng paggawa ng watawat (Flag Making), Yell at Search for Mr. and Ms. Bantayog Summer Youth Camp 2025. Kabilang sa mga naging katuwang at kaisa sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), Museum Archives and Shrine Curation Division (MASCD), Provincial Information Office (PIO) at iba pa.
Ang Bantayog Summer Youth Camp ay naglalayong palaguin at pagtibayin ang social skills at pagkamalikhain ng bawat kabataang CamNorteño sa bawat aspeto ng buhay. Ito ay isang malaking hakbang din upang makamit natin ang adhikaing “ang bagong CamNorteño ay produktibo at disiplinado”. Tinuturuan ang mga kabataan sa gawain ng mga pagpapahalagang kinakailangan sa reyalidad ng buhay at pagiging mga matatag na lider sa kasalukuyan at hinaharap.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office