RAPID DAMAGE ASSESSMENT AND NEEDS ANALYSIS (RDANA) TRAINING

Bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at iba pang sakuna na maaaring mangyari sa hinaharap, pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) Region V sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Camarines Norte (PDRRMO) ng lalawigan ang pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Training para sa mga kawani ng mga opisina ng Kapitolyo, iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan at maging mga volunteer organizations tulad ng Philippine Red Cross – Camarines Norte Chapter upang maging bahagi ng mga grupo na ipapadala sa mga bayan-bayan upang alamin ang mga kaganapan at mga kailangan ng mga nasalanta matapos ang isang sakuna.
 
Ito ay ginanap sa Nathaniel Hotel nitong June 17 hanggang June 19 at sa Prime Suite Hotel naman sa huling araw nito nitong ika-20 ng Hunyo, 2025.

Tinalakay sa pagsasanay na ito ang konsepto ng paghahanda para sa RDANA, ang mga operasyon, mobilisasyon, mga metodolohiya at mga preparasyon na dapat gawin sa pagpapadala ng mga taong tutukuyin ang mga kasiraang dinulot ng isang sakuna sa iba’t ibang lugar at alamin ang mga pangangailangan ng mga taong labis na naapektuhan. Sa huling araw ay isinagawa ang isang Simulation Exercise, upang magamit ng mga dumalo ang kanilang natutunan at maranasan kung ano ang pakiramdam at kung ano ang maari nilang masaksihan o madatnan kapag sila ay napunta na sa aktwal na pangyayari. Matapos nito ay nagkaroon ng pag-uulat sa kanilang mga natuklasan at nagkaroon din ng bahagian ng mga natutunan at mga nalaman nila sa hakbanging ito. Nagsilbing mga resource speaker sina Sir Samuel Oliva, PDRRMO – Camarines Norte, Sir Geronimo Burce ng Department of Education (DepEd), Sir Matt Jenno Balce ng DENR – Environmental Management Bureau (EMB) at Philippine Red Cross at Sir Ariel Caleon ng DENR PENRO.
 
Ang nakapagtapos ng training na ito ay makukuha ng certificate of completion na mula mismo sa OCD ay mayroong serial number, na sya ring magsisilbing patunay na sila ay maaring ideploy bilang bahagi ng opisyal na grupo na magsasagawa ng RDANA sa panahon na sakuna, kasama pa ang mga naunang nakapagtapos nito at iba pang lingkod-bayan ng pamahalaan.
Share the Post:

Related Posts