MGA LUMANG WATAWAT NG PILIPINAS, BINIGYAN NG PARANGAL AT PAGPUPUGAY

Sa unang bantayog ni Dr. Jose Rizal sa lilim ng mga mayayabong na punong talisay, ang mga delegado mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ay tahimik na dumalo sa huling pagpupugay sa mga luma at sira-sirang watawat na isinagawa nitong ika-19 ng Hunyo sa Daet, Camarines Norte.

Sa harap ng mga mamamayang dumalo isa-isang inilatag ang mga watawat ng Pilipinas na pagod na sa pagwagayway. Hapong hapo sa pagharap sa ulan, araw, at hangin. Hindi ito basta pagtapon – isa itong seremonya, isang pagpupugay sa simbolo at sagisag ng lupang sinilangan. Ito ay alinsunod sa batas na may pamagat na The Flag and Heraldic Code of the Philippines, Republic Act No. 8491 – Section 19, na nagsasabing:

“A worn-out National Flag should not be thrown away. It should be burned solemnly, ashes collected and buried. The National Flag shall be replaced immediately when it begins to show signs of wear and tear.”

Ang mga lumang bandila ay maingat na isinunog sa isang espesyal na pit. Walang palakpakan, walang sigawan. Tahimik, banal at marangal.


Ang seremonyang ito ay pinamunuan ng Museum, Archives and Shrine Curation Division (Museo Bulawan) sa pangunguna ni G. Abel C. Icatlo ay dinaluhan nina Bise Gobernador Joseph V. Ascutia, Provincial Administrator Don Eduardo S. Padilla na nagpahayag ng kahalagahan ng Watawat ng Pilipinas, Bokal Rebecca R. Padilla na nagpaalala simbolo ng Watawat ng Pilipinas at Daet new acting C.O.P. PLTCOL Charles N De Leon na nagbigkas ng ebolusyon ng Watawat ng Pilipinas, at iba pang sangay ng pamahalaan.


Ang aktibidad na ito ay naglalayong bigyan ng halaga at pagpupugay ang mga Watawat ng Pilipinas, na kahit ito ay luma na ay maaari pa din itong bigyan ng makarangalang pagpaalam bilang respeto sa simbolong kinakatawan nito.

Share the Post:

Related Posts