32ND PINYASAN FESTIVAL: BAHAY ANIHAN AT AGRI-TOURISM TRADE FAIR, NAGBUKAS NA!

Digdi na Kita sa Gawang Lokal, Tatak Daet sana!

Opisyal nang binuksan ang ika-32 Pinyasan Festival Bahay Anihan at Agri-Tourism Trade Fair nitong Hunyo 16, 2025, sa J.P. Rizal Street, Daet, Camarines Norte. Pinangunahan ito nina Mayor Benito “B2K” Ochoa at Municipal Tourism Officer Jocelyn Sarical sa isang ribbon-cutting ceremony.

Ayon kay Mayor Ochoa at Municipal Tourism Officer Sarical, “Buy Local, Support Local! Bisitahin ninyo ang mga booths mula sa iba’t ibang barangay ng Daet at iba pang negosyante na nag-aalok ng sweet delicacies, handmade artworks, at mga produktong lokal na mayaman sa kultura ng ating komunidad. Ang programang ito ay lubos na makakatulong sa ating mga negosyante upang maipakita ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado at mapaunlad ang kanilang mga brand. Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Daet, inaasahan nating mapapaunlad nito ang ating ekonomiya.”

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat na dumalo at suportahan ang mga lokal na negosyo sa loob ng siyam na araw na pagdiriwang na matatapos hanggang ika-24 ng Hunyo. Ang Bahay Anihan at Agri-Tourism Trade Fair ay isa sa mga pangunahing highlight ng Pinyasan Festival, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga negosyante na maipakita ang kanilang mga produkto at mapalago ang kanilang negosyo. Inaasahan din na magdudulot ito ng paglago sa ekonomiya ng Daet.
Share the Post:

Related Posts