127TH ANNIVERSARY OF PHILIPPINE INDEPENDENCE & NATIONHOOD, IPINAGDIWANG SA PAMAMAGITAN NG FLAG CEREMONY AT PARADA

Ipinagdiwang ang ika-127th Anniversary of Philippines Independence & Nationhood sa lalawigan ng Camarines Norte na nakasentro sa temang “Kalayaan: Moog ng Katatagan ng Bayan” nitong ika-12 ng Hunyo 2025 sa pangunguna ni Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, sa pamamagitan ng Camarines Norte Museum Archives and Shrine Curation Division (MASCD) na pinamumunuan ni Mr. Abel Icatlo.

 
Bilang paggunita ng National Independence Day, nakiisa ang bawat CamNorteño sa parada na nagsimula sa Provincial Capitol Grounds at binaybay ang kalakhang bayan ng Daet patungo sa SM City Daet kung saan idinaos ang Misa ng Pasasalamat sa SM City Daet Events Center.


Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mahinahon at taimtim na Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol Grounds kung saan nagtipon-tipon ang bawat kawani ng mga departamento ng kapitolyo, mga non-government organizations (NGOs) at national government agencies (NGAs).

 
Kasunod nito ang pagbibigay ng mensahe ng ating Gobernador, ayon sakanya na “Huwag natin iwan ang Pilipinas, huwag natin iwan ang ating bansa na ganito na lamang. Pagtulong-tulungan natin, magkaisa tayo, magsama-sama towards one goal, ito po ay paunlarin ang ating bansa (ang ating bayan) linangin natin nang sa ganoon ay tuluyan na tayong makawala sa tanikala ng kahirapan sa ating bayan” ito ay nagpapatunay na dapat patuloy na mahalin ang sarili nating bayan magtulong-tulong na mapaunlad ang bansang Pilipinas at lagi’t laging lumingon kung saan tayo isinilang.

 

Share the Post:

Related Posts