Idinaos ang launching ng Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK) at Youth Forum nitong ika-7 Pebrero, 2024 sa Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte na may temang “Empowering the Youth for Community Development and Leadership.”
Pinangunahan ito ni PCOL Lito Andaya, Philippine National Police (PNP) Provincial Director ng Camarines Norte, at dinaluhan ni PBGEN Andre P. Dizon, Regional Director ng Police Regional Office 5. Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), KKK, Muslim community, Indigenous People, at mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan. Tinalakay sa forum ang mahahalagang paksa tulad ng anti-criminality na ipinaliwanag ni Atty. Louie C. Toldanes, Assistant Regional Director ng NAPOLCOM; Drug Awareness na tinalakay ni IO II Raymundo L. Espinas; at Anti-terrorism na ipinarating ni PLTCOL Errol T. Garchitorena, Jr., Chief of Police ng Daet MPS.
Sa hapon, gaganapin ang panunumpa ng bagong halal na KKDAT at KKK Provincial Officers bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng kanilang tungkulin.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office