Kasalang Bayan 2024

πŠπ€π’π€π‹π€ππ† ππ€π˜π€π, π‡π€ππƒπŽπ† 𝐍𝐈 π†πŽπ. πƒπŽππ† ππ€πƒπˆπ‹π‹π€ 𝐒𝐀 πŸ’πŸŽ 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐒, πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ 𝐒𝐀 𝐒𝐓. π‰πŽπ‡π 𝐓𝐇𝐄 ππ€ππ“πˆπ’π“ ππ€π‘πˆπ’π‡ 𝐃𝐀𝐄𝐓, π‚π€πŒπ€π‘πˆππ„π’ ππŽπ‘π“π„

Sa gitna ng mga pagsubok at hamon sa buhay, patuloy pa rin ang katatagan at pagmamahalan ng mga magkasintahan sa kanilang pagsasama. Nagsilbing inspirasyon at pagkakataon ang Kasalang Bayan na itinaguyod ni Gob. Dong Padilla para sa mga CamNorteΓ±o.
Β 
Nitong ika-12 ng Hunyo, 2024 naganap ang kasalang bayan sa St. John the Baptist Parish sa Daet, Camarines Norte, sa pangunguna ni Rev. Father Joel Villania na siyang nagsilbing Solemnizing Priest, kung saan inilahad ng 40 pares ang kanilang pangakong wagas at walang hangganang pagmamahal sa harap ng Diyos at ng kanilang mga mahal sa buhay. Isang masayang pagdiriwang ang naganap sa lugar na puno ng pag-asa para sa lahat ng pares na sumumpa ng kanilang pagmamahalan.
Β 
Ang pagtitipon na ito ay hindi lamang nagbigay daan sa legal na pag-iisang dibdib ng bawat pares ngunit nagbigay din ito ng pagkakataon para sa kanilang mga pamilya at kaibigan na maipahayag ang kanilang suporta at pagmamahal sa mga bagong kasal.
Share the Post:

Related Posts