MGA ATLETA MULA SA IBA’T-IBANG BAYAN NG CAMARINES NORTE, IBINADERA ANG GALING AT HUSAY SA PALARONG PANLALAWIGAN 2025

Opisyal na pinasinayaan nitong ika-25 ng Pebrero 2025 ang Palarong Panlalawigan 2025 na ginanap sa Eco Athletic Field, Daet, Camarines Norte.

Sinimulan ang aktibidad sa isang engradeng parada na puno ng kulay, lakas at sigla na dinaluhan ng mga atleta, mentors at coaches na nagmula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Camarines Norte. Malugod naman itong pinaunlakan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla at ipinakita ang kanyang suporta at pagmamahal sa mga kalahok ng nasabing patimpalak. Nasaksihan din dito ang mga officiating officials, guro, at mga LGU officers ng bawat distrito. Ipinagmalaki rin ng bawat isa ang makukulay nilang uniporme at malalakas na chant na nagpapakita ng kanilang pagkakaisa.

Ang aktibidad ay binubuo ng bawat munisipalidad mula sa ating lalawigan, kung saan kaakibat ng bawat CamNorteñong atleta ang natatanging kalakasan sa kanilang piling isports na paglalabanan sa darating na mga araw. Magtatagal ang patimpalak ng apat na araw mula sa ika-25 hanggang ika-28 ng Pebrero, 2025.

Ang kaganapang ito ay magbibigay ng pagkilala sa galing ng mga atletang CamNorteño na siya ring mag-uugnay at huhubog sa kanilang mga kakayahan, sportsmanship at camaraderie patungong Bicol Meet 2025.
Share the Post:

Related Posts