Matagumpay na isinagawa ng Junior People Management Association of the Philippines (JPMAP)–CNSC Chapter ang “Harmonizing Human Resource and Labor Relations: A Training-Seminar on Strategies for Small and Medium Enterprise Sustainable Development” na may temang “Empowering Small and Medium Enterprises Through Aligning Strategic Human Resource Management and Labor Relations for Sustainable Growth” nitong Abril 24, 2025, sa SM City Daet.
Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan, inspirasyonal na mensahe mula sa mga guests speakers, at pag-launch ng guide booklet, naitaguyod ng aktibidad ang layunin na mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga SME sa Camarines Norte sa larangan ng makabagong pamamahala sa Human Resources at epektibong labor relations, bilang mahalagang hakbang tungo sa kanilang pangmatagalang pag-unlad at tagumpay.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office