𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐄𝐒𝐎 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄!
Hindi nauubos ang mga bagay na dapat kasabikan ng Camnorteños kapag ang pag-uusapan ay pag-unlad at pagsulong.
Ngayong araw ika-14 ng Hunyo, 2024 ay isinagawa ang site visit sa Port ng Brgy. Osmeña, Jose Panganiban. Ang ginawang pagbisita ay para sa nalalapit at isasagawang Groundbreaking Ceremony ng daungan ngayong darating na June 19, 2024.
Kabilang sa mga kasama at nanguna sa isinagawang site visit ay ang mga kawani mula sa Governor’s Office (GO), Museum Archives and Shrine Curation Division (MASCD) at General Services Office (GSO) ng Provincial Government of Camarines Norte. Samantala, kabilang rin sa bumisita ang Pamahalaang Barangay ng Osmeña sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Virginia C. Bola.
Ang core team ng Provincial Government ay mainit namang tinanggap ng mga kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) at kinatawan ng Contractor ng proyekto kung saan magkasamang tinalakay ang mga “major concerns” para sa gaganaping groundbreaking ceremony sa susunod na linggo.
Inaasahan na ang proyektong ito ay magbubukas ng malalaking economic and development opportunities sa ating economic zone na mabibiyayaan ang buong probinsya at mga karatig lalawigan ng Camarines Norte.
Patuloy po nating isama sa ating mga panalangin ang lalawigan!
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office