YOUNG ENTREPRENEURS NG CAMARINES NORTE, IPINAMALAS ANG KANILANG AGRIBUSINESS KAUGNAY NG YOUNG FARMERS CHALLENGE PROGRAM

Ginanap ang Provincial Level Selecting & Screening ng Young Farmers Challenge Program (YFC) Start-Up (Open Category) sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) nitong ika-20 ng Pebrero 2025. Ang programang ito ay bahagi at ipinapatupad ng Department of Agriculture (DA) na nagsimula pa noong 2021 upang maipakita ng mga young farmers ang kanilang interes pagdating sa negosyo na may kaugnayan sa agrikultura.
 
May apat na panelist na nanggaling sa iba’t-ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, kabilang sa mga panelist si Mr. Joseph Sarmiento bilang kinatawan ng Provincial Agriculture & Fisheries Council (PAFC), Ms. Lovely Jane Asiano-Mabanglo kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), Ms. Ailyn Rafer kinatawan ng Agricultural Program Coordinating Office ng Camarines Norte (APCO) at Mr. Neil Francis Bordon, kinatawan mula sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD).
 
Mayroong anim na kalahok na nagmula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte para ibahagi ang kanilang mga produkto o negosyo kabilang ang Beeju’s Agricultural Products Trading, M.A.s Piggery, Niño’s Food Products-Bagadobo, Rafael’s Fresh Eggs, FC Coco Delight at Agritech Innovation. Ang mapipiling produkto o negosyo ang siyang kakatawan sa Camarines Norte bilang Young Farmers Challenge Program (YFCP) Start-Up (Open Category) Winner at makakatanggap ng ₱80,000.00 na gantimpala at ikakatawan ang Camarines Norte sa Regional YFCP Start-Up na gaganapin sa Camarines Sur.
 
Ang programang ito ay may layuning ipakita ang angking galing ng mga young farmers at kung paano sila makikipagsabayan sa panahon ng modernisasyon pagdating sa negosyo at sa sektor ng agrikultura.
Share the Post:

Related Posts