MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Ang Ika- 125 anibersayo ng kasarinlan ng Pilipinas ngayong Hunyo 12,2023 ay ang unang taon kung saan ipinagdiriwang natin ang araw ng kalayaan sa pamumuno ng ating gobernador Ricarte 'Dong' Padilla isa itong mahalang pangyayari na taon-taon nating ginugunita sa ating bansa bilang pag alala sa mga bayani at mga taong nag-alay o nagbuwis ng kanilang buhay para makamit natin ang kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop noon. Ito rin ay tungkol sa pagpapakita sa ating mayamang kultura at kasaysayan bilang isang bansa.Ang araw ng Kasarinlan ay patunay na ang bawat pilipino ay magkakabigkis bilang isa para sa ating kalayaan.

Sa araw na ito ng kalayaan maraming Camnorteno ang nakiisa at nki celebra sa pagdiriwang na ito, patunay lamang na tayo ay nagkakaisa at may pagmamahal sa ating bansa, marapat lamang na patuloy natin itong gunitain at ipabatid sa mga kabataan. Mahalaga din ipaalam sa mga kabataan at bawat pilipino na mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng ating teritoryo,kabuhayan,paggogobyerno.

Kilala din ang mga Camnorteno sa mga bayaning nakipaglaban sa kasarinlan ng bansa kaya naman marapat lamang na bigyan sila ng masidhing pagkilala at pagpupugay sa araw na ito ng kalayaan.Tunay nga na likas sa ating mga Pilipino ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan para sa nagkakaisang mamamayan at bansa.

 

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA