MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Nagsagawa ng Site Assessment and Validation ang Panlalawigang Tanggapan ng Turismo ng Camarines Norte katuwang ang Pambayang Tanggapan ng Turismo ng Santa Elena sa Sitio Paraiso, Brgy. Rizal, Santa Elena, Camarines Norte kung saan matatagpuan ang Busay Falls and Pools na isang eco-tourism destination upang alamin ang mga posibleng proyekto at programa na maaring gawin para sa lalong pag develop at pagpapakilala ang nasambit na lugar.

Sa loob lamang ng limang minutong paglalakad mula sa National Highway at bente pesos (20 php) na entrance fee ay mararating mo na agad ang lugar na ito. Ito ay pinangangasiwaan ng Mt. Cadig Development Association Inc. o MCDAI na binuo upang mapanatili at kalinisan at kaayusan sa atraksyong ito. Sa unti unting naipon at nakolekta ng grupo ay nakapagawa na ito ng maayos na "trail" o daanan upang mas madali ang pagpunta ng kanilang mga bisita. Ang dalawang talon na matatagpuan dito ay tiyak na magbibigay ng ginhawa at kasiyahan dahil sa malinis, malamig at preskong tubig na taglay nito. Mayroong din silang swimming pools na pwedeng alternatibong liguan at kubo na maaring rentahan ng mga ekskorsyonista. Nasa plano ng grupo sa hinaharap na maglagay ng dagdag na pasilidad at amenities upang mas lalong makilala at maipakita ang angking ganda ng busay sa mas nakakarami. Sa mga nais bumisita, makipag ugnayan lamang sa kanilang Presidente na si Ginang Anabel Orendain Gutierrez sa kanyang facebook account.

Malugod ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Santa Elena sa pamumuno ni Kagalang galang na Punong Bayan Dina Borja, Tanggapan ng Turismo ng Santa Elena sa pangunguna ni Bb. Sy Borja, Punong Barangay Roberto C. Tierra at sa mga kasapi at miyembro ng MCDAI sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Ginang Annabel Gutierrez sa kanilang mainit na pagtanggap at pag asikaso sa aming ginawang aktibidad.

Credits to: https://www.facebook.com/GoCamNorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA