π€π‹π€π˜ π„π’πŠπ–π„π‹π€ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€ππ† ππ€ππ‹π€π‹π€π–πˆπ†π€π, ππ€πŒπ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ”π”π€ππ† πŸ”, πŸ”πŸπŸ 𝐒𝐄𝐓𝐒 πŽπ… π’π‚π‡πŽπŽπ‹ π’π”πππ‹πˆπ„π’

Sa pamamagitan ng flagship program na Alay Eskwela, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng administrasyong Padilla-Ascutia ay namahagi ng school supplies ngayong araw ika-23 ng Hulyo, 2024 sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kabilang sa benepisyaryo at makakatanggap ng mga gamit ay ang mga mag-aaral na bahagi ng Jose Panganiban East District Elementary Schools. Ang sumusunod na mga paaralan ang kasama sa distribution of school supplies; Calogcog ES, Jose Panganiban ES, Luna ES, OsmeΓ±a ES, Parang ES, Regino A. Yet ES, Roman V. Heraldo ES, San Mauricio ES, San Rafael ES at Segundo Aguirre ES.

Nagpakita ng suporta sa gawain si Mam Diday AbaΓ±o – Community Affairs Officer IV na siya ring nagsilbing kinatawan ni Governor Dong Padilla. Samantala dumalo rin sa gawain si Provincial Board Member Teresita DL Malubay. Nakiisa rin sa gawain ang mga bisita mula sa Pamahalaang-bayan ng Jose Panganiban kabilang si Vice Mayor Casimero B. Padilla at ilan pang mga Municipal Councilors.

Ang matagumpay na pamamahagi ay pinangunahan ng Community Affairs Office (CAO) sa ilalim ng tanggapan ng Gobernador

Bukas, araw ng Miyerkules ika-24 ng Hulyo, 2024 ay ang distribusyon naman para sa mga paaralan naman na bahagi ng Jose Panganiban West District. Asahan rin ang iba pang iskedyul ngayong linggo at sa susunod na buwan para sa tuloy-tuloy na pamamahagi ng school supplies sa pamamagitan ng programang Alay Eskwela.

Share the Post:

Related Posts