πˆππƒπˆπ†π„ππŽπ”π’ ππ„πŽππ‹π„β€™π’ πƒπ€π˜ πŸπŸŽπŸπŸ’, πˆπ’πˆππˆπ‹π„ππ‘π€ 𝐒𝐀 π‹π€π‹π€π–πˆπ†π€π 𝐍𝐆 π‚π€πŒπ€π‘πˆππ„π’ ππŽπ‘π“π„

Sa pagdiriwang ng Provincial Indigenous People’s Day, hindi lamang ipinapakita ang kahalagahan ng kasaysayan at kultura ng Camarines Norte kundi pati na rin ang kanilang mga pangarap at layunin para sa kinabukasan. Nitong ika-9 ng Agosto 2024, matagumpay na idinaos ang naturang pagdiriwang sa Agro Sports Center ng Provincial Capitol Compound, kung saan nagtipon-tipon ang iba’t ibang tribong katutubo upang ipagdiwang at pagyamanin ang kanilang kultura at tradisyon.

Pinangunahan ang nasabing pagdiriwang ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Cynthia R. Dela Cruz PSWD Officer. Nakiisa din ang ahensya ng pamahalaan na nagbigay din ng serbisyo para sa mga dumalo, kabilang dito ang DSWD, PNP, DOST, DENR, PDRRMO, SPACFI, DOLE, PSA, KABALIKAT at NCIP-LSL. Nagbigay din ng serbisyong medikal at mga gamot ang Ugnayan: Siguradong Serbisyo Alay Pangbarangay para sa ating katutubo. Dinaluhan din ito nina Ms. Agnes M. Salvino- Development Management Officer/Provincial Officer, Dr. Sarah Marie P. Aviado bilang kinatawan ng Gobernador, Mr. John C. Pineda, Ms. Shane Therese Magdamit na siyang kinatawan naman ng Bise Gobernador.

#AlaysaDiyosAlaysaBayan

Share the Post:

Related Posts