3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, Isinagawa sa Pamahalaang Panlalawigan

 
Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP), isinagawa ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte nitong ika-26 ng Setyembre, 2024 sa Provincial Capitol Grounds.
 
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga kawani ng PGCN, upang mapalawak ang kaalaman ng bawat indibidwal sa oras na mangyari ang sakuna lalo na ang lindol at maibahagi kung ano ang dapat at hindi dapat gawin kung mangyari man ang banta ng peligro.
 
Ang Pamahalaang Panlalawigan ay aktibong nakiisa sa nasabing gawain upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa at maging isang ehemplo na maaasahan na mamamayan.
 
Share the Post:

Related Posts