AGRI-TOURISM TRADE AND ARTISAN FAIR 2025, OPISYAL NA PINASINAYAAN

Pormal nang binuksan ang Agri-Tourism Trade and Artisan Fair 2025 na ginanap nitong ika-21 ng Abril sa Jose P. Rizal Street, Daet, Camarines Norte.

Pinasimulan ang pagbubukas ng nasabing programa sa pamamagitan ng Ribbon Cutting Ceremony sa pangunguna nina Governor Ricarte “Dong” Padilla, Vice Governor Engr. Joseph V. Ascutia, DOT Region V Director Herbie Aguas at Tourism Officer in-charge Abel C. Icatlo kasama ang mga kinatawan ng tourism offices mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte.

Ang Agri-Tourism Trade and Artisan Fair 2025 ay bukas sa lahat mula Abril 21 hanggang Mayo 9, 2025 na nilahukan ng mga local business owners mula sa iba’t ibang bayan sa nasabing lalawigan. Makikita rin dito ang mga ipinagmamalaking produkto ng 12 na munisipalidad ng Camarines Norte. Layunin nitong mas patatagin at palawigin ang turismo sa pamamagitan ng pagpapakita ng galing, produkto at pagkamalikhain ng mga CamNorteño.

Share the Post:

Related Posts