Ang kalusugan ay isang sektor at aspeto ng buhay na pangunahing dapat bigyang prayoridad upang mas maging progresibo ang isang lalawigan at ang komunidad.
Katuwang at sa suporta ng mga senador ng ating bansa kabilang sina Sen. Imee R. Marcos at Sen. Sherwin T. Gachalian, gayundin si Former DILG Sec. Benhur Abalos ay matagumpay ang pagsasagawa ng makabuluhang seremonya sa Basud, Camarines Norte nitong ika-25 ng Marso, 2025. Sa pangunguna ni Gov. Ricarte “Dong” Padilla at Vice Gov. Engr. Joseph V. Ascutia, Congresswoman Rosemarie Panotes at Mayor Adrian S. Davoco, ang nasabing proyekto ay mas paiigtingin at papalawakin ang mga serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Basud at mga karatig na munisipalidad.
Para sa Phase 1 ng proyektong Basud District Hospital, ay may kabuuang alokasyon ito ng pondong nagkakahalaga ng ₱30 milyong piso na mula sa General Appropriations Act (GAA) FY 2025.
Ang inisyatibong ito ay nagsisilbing indikasyon na ang Pamahalaang Panlalawigan ay tuloy-tuloy sa pagsasakatuparan sa pangako ng paghahatid ng mga serbisyong sa nag-aayos, nagpapabuti at nagpapatibay sa mga programang pangkalusugan, gayundin ang proyektong serbisyo-medikal na ito ay simbolo ng malasakit at pagmamahal sa bawat CamNorteño.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office