MGA NATATANGING JUAN AT JUANA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN 2025

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2025 ay isinagawa nitong ika-24 ng Marso ang pagkilala sa mga Natatanging Juan at Juana ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.
Sa pangunguna ng Provincial Government at sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Government Employees Welfare Association (CNPGEWA), katuwang ang Gender And Development Focal Point System – Technical Working Group (GAD FPS–TWG), ay matagumpay na pinarangalan ang mga Natatanging Juan at Juana ng bawat tanggapan sa Kapitolyo.
 
Ang mga empleyado na kinilala ay tumanggap ring ng certificate of recognition, sash, token at cash incentive. Ang pagkilalang ito ay nakaugat sa mahalagang kontribusyon ng mga kawani sa pagsusulong ng women empowerment at inklusibong working environment kung saan ang parehong mga kalalakihan at kababaihan ay may pantay na karapatan at oportunidad.
 
Ang makahulugang gawaing ito ay inisyatibo ng CNPGEWA katuwang ang GAD FPS TWG na aktibong sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.
Share the Post:

Related Posts