HANABANA SEDIMENTATION FILTRATION FACILITY, OPISYAL NANG PINASINAYAAN

Matagumpay nang binuksan sa pamamagitan ng isang inagurasyon ang pinakahihintay na HANABANA Sedimentation Filtration Facility nitong Mayo 7, 2025 sa Barangay Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz.
 
Pinangunahan nina Governor Ricarte “Dong” Padilla, mga opisyal at kawani ng HANABANA, Primewater, CNWD at iba pang mga kasosyo sa komunidad ang seremonya. Ang gawain ay nagpapakita ng kooperasyon para sa proyektong ito na magbibigay ng mas malinis, mas ligtas, at magmementina ng volume ng tubig sa mga konsumedores, lalo na sa panahon ng tag-ulan. Ang mga mensahe mula sa opisyal ay nagpapahayag ng pangako sa pagpapaunlad ng imprastraktura lalong higit ng pangangailangan sa tubig.

Ayon sa mensahe ni Governor Padilla, “Ako po ay lubos na nagpapasalamat, this is a dream come true for us and I hope na yung impact nito especially sa mga consumers natin ay maging positive. And then again on the positive note, we are into agreement na itong ating partnership will somehow solve all our problems and our challenges when it comes to water in the province.”

Makakaasa ang lalawigan ng Camarines Norte na sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasakatuparan ng proyektong ito ay magkakaroon na ng mas malinis, mas malakas at mas maayos na suplay ng tubig para sa lahat ng residente lalo na sa panahon ng tag-ulan at malabo ang pangunahing pinagkukunan ng tubig.
Share the Post:

Related Posts