Tunay na ang kapayapaan, katahimikan at pagpapala ay sumasa-ating lahat dito sa Camarines Norte.
Kahapon ika-1 ng Mayo, 2025 ay isinagawa ang Episcopal Ordination of the Rev. Fr. Herman G. Abcede, RCJ ang bagong Bishop-elect ng Daet at ang kaniyang pormal na Installation and Canonical Possession sa Cathedral of the Most Holy Trinity, Daet, Camarines Norte.

Sa makahulugang gawaing ito ay dumalo at nakiisa sina Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon, D.D – ang Archbishop of Caceres, Most Rev. Gilbert A. Garcera, D. D – Archbishop of Lipa, Most Rev. Socrates B. Villegas, D. D – Archbishop of Lingayen-Dagupan at Most Rev. Jesse E. Mercado, D. D – Bishop of Paranaque. Kasama ring nakiisa sa taimtim na gawain ang mga lokal na lider sa Pamahalaang Panlalawigan at mga pinuno ng iba’t ibang bayan sa Camarines Norte.
Si Rev. Fr. Herman G. Abcede, RCJ ay ang ikalimang Obispo ng Diyosesis ng Daet. Ang pagkakatalagang ito ng bagong obispo sa probinsya ay palatandaan ng mas matatag at matibay na pananampalataya ng bawat katolikong Camnorteño.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office