πˆππˆπ“πˆπ€π‹ πŽππ„ππˆππ† πŽπ… 𝐇𝐀𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀’𝐒 𝟏𝟎 πŒπˆπ‹π‹πˆπŽπ π‹πˆπ“π„π‘π’ 𝐏𝐄𝐑 πƒπ€π˜ 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π“π‘π„π€π“πŒπ„ππ“ 𝐏𝐋𝐀𝐍𝐓 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π…π‹π”π’π‡πˆππ† π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜, ππˆππ€ππ†π”ππ€π‡π€π 𝐍𝐈 π†πŽπ•π„π‘ππŽπ‘ πƒπŽππ† ππ€πƒπˆπ‹π‹π€

Sa pamumuno at pagsisikap ni Governor Ricarte β€œDong” Padilla at Vice-Governor Joseph Ascutia, sa tulong ng HANABANA Construction and Equipment Corporation, PrimeWaters Camarines Norte at Camarines Norte Water District, naging matagumpay at makabuluhan ang Initial Opening of HANABANA’s 10 Million Liters Per Day With Water Treatment Plant Water Flushing Activity sa Barangay Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte nitong ika-17 ng Oktubre 2024.

Dinaluhan ito nina Governor Ricarte Padilla, Ms. Renee Herrera bilang kinatawan ni Vice Governor Joseph Ascutia, Hon. Mayor Nelson Delos Santos, Hon. Rodolfo β€œPol” Gache, Mr. Johnson Chan (Branch Manager, PrimeWaters Camarines Norte), Mr. Adolfo U. Ogad (BOD Chairman, Camarines Norte Water District) at Mr. Ramonito Sagocsoc (Vice President, HANABANA Construction and Equipment Corp.).

Ayon sa mensahe ng Gobernador, β€œIsa sa pangarap ko ang masolusyonan kaagad ang problema natin sa tubig. This will not cure the problem overnight, madami pa tayong dapat gawin, pero ang maganda ay nagkakasundo na ang HANABANA, Camarines Norte Water District at ang PrimeWater. Naniniwala po ako sa pamamagitan ng suporta ng Provincial Government at ng Sangguniang Panlalawigan, this will be a very good start na masolusyonan na po natin ang shortage ng tubig dito sa Camarines Norte.”

Sa pamamagitan ng proyektong ito ay makakaasa ang mga CamNorteΓ±o sa mas maayos at dekalidad na serbisyo upang makakuha ng tubig at hindi na makaranas muli ng kakulangan sa pangangailangan ng tubig dahil ang Ama ng Lalawigan – si Governor Dong Padilla ay hindi tumitigil na magtrabaho at magsumikap upang magbigay ng kaunlaran sa lalawigan ng Camarines Norte at lagi’t laging isinasabuhay ang pagseserbisyong alay sa Diyos, alay sa bayan.

Share the Post:

Related Posts