126th Independence Day

𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗞𝗔-𝟭𝟮𝟲𝗧𝗛 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗚𝗢𝗩. 𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔

Sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice-Governor Joseph Ascutia, kasama ang pakikipagtulungan ng Camarines Norte Museum Archives and Shrine Curation Division sa pamumuno ni Mr. Abel Icatlo, matagumpay na ipinagdiwang ang “126th Araw ng Kalayaan” ngayong ika-12 ng Hunyo, 2024.
 
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang emosyonal na “Flag Raising” sa Capitol Grounds kung saan nagtipon ang mga kawani ng iba’t-ibang ahensya, departamento ng kapitolyo, Non-Government Organizations, at ilang mag-aaral upang magdiwang ng kasarinlan ng bansa.
 
Matapos ang seremonya ng “Flag Raising,” isinagawa ang Roll call ng mga kalahok sa Independence Day parade. Ang parada ay nagsimula sa People’s Freedom Park at nagtapos sa SM City Daet kung saan naghihintay ang programa para sa Misa ng Kalayaan.
 
Ang pagdiriwang ng “126th Araw ng Kalayaan” ay nagbigay diwa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng kalayaan ng Pilipinas, nagpapakita ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagpapahalaga sa halaga ng kalayaan at kasarinlan ng bansa.
Share the Post:

Related Posts