Ceremonial Turnover and Blessing of Police Vehicles for the Camarines Norte Police

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, sa ilalim ng pamumuno nina Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia, at sa pamamagitan ng Provincial Peace and Order Council Office at Camarines Norte Police Provincial Office, matagumpay na isinagawa ang Ceremonal Turnover and Blessing of Police Vehicle nitong ika-5 ng Disyembre 2024 sa Provincial Capitol Grounds.

Ito ay pinaunlakan ni Governor Padilla, PCOL Joselito E. Villarosa Jr. (Provincial Director, Camarines Norte Police Provincial Office) at ng iba’t ibang kapulisan mula sa lalawigan ng Camarines Norte. Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Andrew James V. Ibasco ang blessing ng mga makabagong sasakyan at nag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng mga awtoridad na gagamit ng mga police vehicles. Ang mga sasakyan ay may kabuuang halaga na ₱9.935 milyong piso na nagmula sa pondo ng Provincial Goverment of Camarines Norte sa pamamagitan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC).

Ayon sa mensahe ng Gobernador, “Sa pagkakataon pong ito, sa araw na ito, tayo ay namimigay ng mga sasakyan para po sa serbisyo ng ating Philippine National Police. Ito po ay simula pa lamang, marami pa pong kasunod dahil alam po namin na marami pang kakulangan ang mga pulis, nakita ko po, naramdaman ko po kaya kami ni Vice Governor Joseph ay kasama ninyo at makakaasa kayo na ito ay simula pa lamang, magpapatuloy po ang buong suporta ng Provincial Government sa atin pong Philippine National Police.”

Labis labis din ang pasasalamat ng buong kapulisan ng Camarines Norte sa pangunguna ni PCOL Joselito Villarosa dahil sa malaking tulong ito sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at kapayapaan para sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Share the Post:

Related Posts