β±π,πππ,πππ πππππππ ππππ ππ πππππππππ ππππ ππ πππ πππππ πππππππππππ πππππππ ππ πππππππππ ππππππππ, πππππππππππ ππ πππππππππππ ππππππππππππ ππ πππAπππππ πππππ
Nitong ika-14 ng Hunyo 2024, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng Padilla-Ascutia Administration ang pamamahagi ng insentibo para sa 197 na Child Development Worker sa ikalawang distrito ng lalawigan, na ginanap sa People’s Freedom Park Provincial Capitol Grounds Daet, Camarines Norte. Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na kung saan mula sa dating β±1,000 na tinatanggap ng mga ito kada buwan ay ginawang β±1,500 ng Pamahalaang Panlalawigan kada buwan, at ang insentibo na tinanggap ng bawat isa ay β±6,000 sa apat na buwan, na umabot sa kabuuang halaga na β±1, 182,000. Isang hakbang ng pamahalaan upang bigyang pugay at proteksyon ang mga manggagawang nangangalaga sa mga bata, lalo na at matiyaga nilang tinutupad ang kanilang mahahalagang tungkulin.
Ang mga Child Development Workers ay mga taong nagbibigay ng serbisyong pangangalaga at edukasyon sa mga bata sa kanilang komunidad. Ito ay isang mahalagang papel sa pagpapalaki at pagbibigay ng tamang pangangalaga sa mga kabataan upang matiyak ang kanilang maayos na pag-unlad at kapakanan.
Sa pamamagitan ng programang ito, tinatangkilik ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang kontribusyon at sakripisyo ng mga Child Development Workers. Ang insentibong ito ay hindi lamang bilang pasasalamat sa kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa kanilang trabaho, kundi pati na rin bilang suporta sa kanilang pangangailangan at pang-araw-araw na gastusin.
Isa itong magandang hakbang na nagpapakita ng importansya ng pagbibigay ng sapat na suporta at pagkilala sa mga manggagawang pangangalaga sa mga bata. Sa pamamagitan ng insentibong ito, inaasahang mas mapalakas ang moral at motibasyon ng mga Child Development Workers upang mas lalo pang pagbutihin ang kanilang trabaho sa pagtutok sa pangangailangan ng mga kabataan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Samantala, sa mensaheng ipinaabot ni Gob. Dong Padilla ay binigyang pugay nito at pasasalamat ang mga Day Care Workers sa kanilang sakripisyo sa pagganap ng tungkulin. Ayon pa kay Gob. Padilla, sila ni Vice Governor Joseph Ascutia, sa tulong ni Mam Cynthia ay hindi mag-aatubiling dagdagan ang kanilang insentibo kapag nakitang kaya ng pondo at may mapagkukunan. “Ang pakiusap ko lang, huwang kayong magsawa, huwag kayong mapagod at habaan pa ang pasensiya sa inyong pagganap ng inyong tungkulin”, pahayag pa ni Gob. Dong.
Ang pagtataguyod ng pagpapahalaga at suporta sa mga Child Development Workers ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalidad ng serbisyong kanilang ibinibigay sa mga bata. Sa pamamahagi ng insentibo, nagiging mas maigting ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga kababayan nating naglilingkod upang masiguro ang maayos at epektibong pangangalaga para sa susunod na henerasyon.
Article credits to: Camarines Norte Provincial Information Office


