LUPANG PINONDOHAN NG ₱500,000 GANAP NANG IPINAGKALOOB SA BARANGAY CATANDUNGANON, BAYAN NG MERCEDES

Pormal nang ipinagkaloob ang lupa o lote para sa mga residente ng Barangay Catandunganon sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte nitong ika-12 ng Marso 2025.
 
Ang layunin ng proyektong ito ay upang mapabuti ang kalagayan ng bawat pamilya na nakatira sa hazard prone areas kung saan ay madalas tumaas ang tubig tuwing may bagyo o may kalamidad na paparating.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng administrasyon nina Governor Ricarte “Dong” Padilla at Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, ayon kay Engr. Harold Gestiada, Project manager ng Project Management Office(PMO) isa sa mga nangunguna sa pagpapatupad ng mga Housing Program and Project of the Provincial Government, ang proyektong ito ay kolaborasyon ng Barangay Catandunganon at Provincial Government of Camarines Norte na may pondong nagkakahalaga ng ₱500,000.00 mula sa pamahalaang panlalawigan at ipinagkaloob sa Barangay Catandunganon upang makapag-acquire ng lupa para sa mga residente na nakatira sa hazard prone areas at walang kapasidad magkaroon ng sariling pwesto ng bahay.
 
Dahil sa madalas na pag-ulan sa ating probinsya ganoon na rin ang madalas na biglaang pagtaas ng tubig galing ilog, pagbaha at paglambot ng lupa sanhi ng tuloy-tuloy na pag-ulan na maaaring magresulta ng landslide kung kaya’t nagiging rason rin ito upang maging mapanganib ang kalagayan ng bawat residente ng Barangay Catandunganon na naninirahan sa hazard zone.
 
Ayon sa ating minamahal na Gobernador Ricarte “Dong” Padilla “Walang dapat maging iskwater sa sariling bayan” dahil katuwang ng ating Bise-Gobernador Engr. Joseph Ascutia layon nilang mabigyan ng maayos at komportableng mapagtatayuan ng sariling tahanan ang ating mga kababayang nangangailangan nito.

Ang proyektong ito ay nagpapakita na patuloy pa rin sa pagtugon ang ating Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ng Padilla-Ascutia, ito ay sumisimbolo na walang sawang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan at masiguradong ligtas ang bawat Camnorteño lalong-lalo na sa panahong ng sakuna.
Share the Post:

Related Posts